DOWNLOAD

 IT'S JUST TOO LATE DUDE. BUT I HAD A GREAT TIME
Ang Nobela/Kwento na ito ay tungkol sa dalawang lalaki na nagtagpo, nagkakilala, nagmahalan, nagkasama sa tamang pagmamahalan ngunit sa maling pagkakataon. Si George Diaz at ikakasal na sa kaniyang fiance na si Melissa. Si Matthew Alvarez naman ay asawa ng isang butihing asawa na si Joana at ama ng tatlong batang babae na sina, Jasmine, Jessica at Jermaine.
Paano nila ipagpapatuloy ang kanilang pagmamahalan kung huli na ang lahat para sa kanilang dalawa.

****************************************************************

 UNEXPECTED LOVE AFFAIR - SEASON 1
Ito ay kwento ni Franco Severino at Yam Concepcion. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, sa isang kakaibang uri ng pagtatagpo kaya nabuo ang kanilang pagmamahalan. Pero paano panghahawakan ni Yam ang pagmamahal sa kaniya ni Franc kung malalaman niyang kasal na ito kay Shaun Warrenson na gugulo sa kanilang Love Story. 
Samahan si Yam kasama ang kaniyang kaibigan na si Rico sa isang napakakwelang romantic bromance na ito.

Game!!!

****************************************************************

UNEXPECTED LOVE AFFAIR - SEASON 2
Sa pagpapatuloy ng pagmamahalang Franco Severino at Yam Concepcion ay madadagdagan ng iba pang characters ang kwentong sinubaybayan ng readers kaya ito, merong season 2. Patuloy ang kanilang pagmamahalan ng muling bumalik si Shaun upang patuloy na sirain ang magandang relasyon na nabuo kay Pogi at Liit. Sasabayan pa ng pagpasok sa eksena ni Stephen Douglas na mas magbibigay twists sa kabuuan ng Season 2 at manliligaw kay Yam.

Maraming rebelasyon sa Season na ito plus kasama din sa Season 2 ang Unexpected Love affair ni Rico at ni Josh na nagkakilala sa Season 1.

Hanggang kailan matatagalan ni Yam ang panggugulo ni Shaun? Mainlove kaya siya kay Stephen? Ano naman ang gagawing hakbang ni Franc para hindi masira ang kanilang makulay at makwelang pagmamahalan?
Isa lang ang paraan para malaman :-)
Basahin nyo po. Hihihi.

Guaranteed: 100% love story + 100% kakiligan + 100% kulitan + 100% kabaliwan + 100% unexpected full of surprises = 500% :-)

Bahaha! Game!


****************************************************************


Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang magkababata na si Ryan at Myk na sabay na lumaki sa isang probinsya. Pinagtapat ni Myk na matagal na niyang minamahal si Ryan, tinanggap ni Ryan ang pag-ibig na ni Myk ng buong puso. Ngunit kinailangan nilang magkahiwalay dahil pupunta si Myk ng Maynila upang doon mag-aral. Pinagpatuloy nila ang kanilang pagmamahalan hanggang sa mabalitaan ni Myk na nakabuntis si Ryan na isang anak ng Mayor sa kanilang lugar. Pilit silang pinaglayo ng tadhana hanggang sa mapunta si Ryan sa ibang bansa kasama ang nabuo nitong pamilya.
Pinagpatuloy nila ang kanilang patagong pagmamahalan dahil hindi nila mapigilan ang kaniyang nararamdaman para sa isa't isa.
Tunghayan ang isang kwentong nagpaiyak sa lahat ng sumubaybay sa storyang ito. Kung paano nila nilampasan ang mga naging balakid sa kanilang pagmamahalan at kung hanggang saan sila sinubok ng tadhana.


Download Me

****************************************************************

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below

Powered By Blogger Widgets