Sunday, January 27, 2013
IT'S JUST TOO LATE DUDE. BUT I HAD A GREAT - CHAPTER 8.2
"Chapter 8.2"
KINABUKASAN noon pumasok si Matt kasabay ang mga bata. Habang nag-aayos siya ng kanilang mga damit nila ni Matt sa kanilang lagayan ay may napansin siyang nakaipit na mga damit sa ilalim ng kanilang pinaglalagyan. Pilit niya iyong kunin.
Pagkakuha niya sa mga iyon ay napansin niyang mga sira ang mga butones noon, ang iba naman ay punit na tila sapiliting hinatak. Nasa mahigit limang damit ang mga ganoon. May napansin din siyang panyo na nakasiksik sa ilalim ng damitan na nila na may bahid ng dugo.
Tila nakadama ng hindi maganda si Joana sa kaniyang mga nakita, bilang isang may asawa, nakaramdaman niyang may inililihim sa kaniya si Matt. Walang dahilan para itago ni Matt ang mga sirang damit na iyon, walang dahilan para itago iyon mula sa kaniya. Bigla niyang naisip bilang isang asawa na may dahilan kung bakit laging nagagabi ng uwi talaga si Matt. Sa pagkakataong ito, ngayon ay hindi nya maiwasang magsuspetsa na talaga. Naalala niyang laging may kausap ito sa phone noong mga lumipas na araw at gabi. Hindi niya lang iyon binigbigyang pansin, ngayon lang. Ngayong nakita niya ang mga damit na nagudyok sa kaniyang paghinalaan ang kaniyang asawa.
LUMIPAS ang araw na iyon pero hindi kagaya ng inaasahan ay maaga itong nakauwi. Ilang gabi na din itong maagang nakakauwi hindi kagaya noong mga nagdaang gabi.
Nakiramdam si Joana sa kinikilos ni Matt.
"Ma, is there something wrong with you?" Tanong ni Matt habang nakahiga silang dalawa sa kama.
"Nothing."
"Napansin ko kasi ilang araw ka ng wala masyadong kibo, may nagawa ba akong mali o something na hindi mo nagustuhan?" Mausisang pagtatanong ni Matt.
"Wala naman. Kung meron man siguro naman sasabihin mo kaagad sa akin, di ba?"
"Yeah--- of course--- i will. I have nothing to----- to hide from you." Pero biglang pumasok sa isipan ni Matt ang kaniyang mga ginagawa nila ni George.
"I'm sure you don't. Matutulog na ako, Pa." Sabi ni Joana kay Matt. Kasalukuyang may ginagawa pang report si George ng mga sandaling iyon.
"Get near on me Ma." Sabi ni Matt. Lumapit si Joana sa tabi ni Matt at humalik si Matt sa noo ng babae.
PERO hindi parin kumbinsido si Joana sa kaniyang mga nararamdaman. Kaya upang mas makasigurado ay sinundan niya si Matt. Mula sa trabaho nito. Noong pumunta siya doon ay wala si Matt. Nagtanong tanong siya sa mga guardiya kung may mga bumibisita ba kay Matt na hindi nito cliente. Nasabi sa kaniya ng Guardiya na merong pumupunta noong lalaki. Umayon ang deskripsiyon na iyon kay George. Kaya binaliwala niya iyon.
Sinabihan niya ang guradiya na huwag sabihin sa asawa na pumaroon siya sa office noon.
Lumabas siya ng building at tumungo sa parking lot upang kunin ang kaniyang sasakyan.
-----
Nakita ni Matt ang sasakyan ng kaniyang asawa. Kadarating lang niya mula sa isang meeting. Mula sa kinapupuwestuhan ng sasakyan ni Matt ay nakita niyang papalapit naman si Joana sa sasakyan niya. Bubusinahan niya sana ito ngunit napansin niyang seryoso ang itsura nito na tila sinusundan siya kaya palihim niyang pinagmasdan ang kaniyang asawa.
-----
Sumakay si Joana sa kaniyang sasakyan. Sinarado niya ang pinto noon at sinimulang paandarin at patakbuhin.
-----
Pinagmasdan ni Matt habang papalayo ang sasakyan ng kaniyang asawa bago lumabas naman sa loob ng kaniyang sasakyan.
Pumasok si Matt sa loob ng building at nagtanong sa guardiya kung bumisita ba ang kaniyang asawa.
"Hindi po Sir. Hindi po dito nagagawi ang inyong asawa." Sabi ng Guradiya. Hindi maitatago na lihim ngang sinusundan siya ni Joana. Bigla niyang inisip kong simula pa kailan siya sinusundan ng asawa. Naisip niya rin na buti nalang at hindi niya na kinikita pa si George ng mga sandaling iyon.
PAGKAUWI ay sinalubong niya ng yakap at halik ang kaniyan mga anak at si Joana. Pagkatapos nilang kumain ay nagsitungo na ang mag bata sa kani-kanilang mga kwarto.
Magkasamang muli ang mag-asawa sa loob ng kanilang kwarto.
"Anong ginawa mo kanina sa office?" Pasimpleng tanong ni Matt habang nakayakap siya kay Joana.
"Nothing."
"You're lying."
Humarap si Joana sa kaniya. "I'm not lying."
"You're not so good with Ma. Nakita kita kanina sa parking lot ng building." Sabi ni Matt.
Biglang tumayo si Joana sa pagkakahiga. "Okay, I'd been there. I was following you, Pa."
"But why? Wala naman akong ginagawa ah?"
"Because your hiding something!" Malakas ang pagkakasabi niya. Tumayo si Matt sa pagkakahiga at yumakap siya sa kaniyang asawa pero iniwas ni Joana ang kaniyang sarili.
"I am nothing hiding anything Ma. Ano ba iyang mga sinasabi mo?"
Tinitigan ni Joana si Matt ng matagal bago siya tumayo sa higaan at lumapit sa kanilang drawer. Hinalungkat nito ang kanilang mga damit at kinuha ang sirang damit ni Matt hinagis niya iyon sa kama.
"Iyan! ano iyan?" Malakas na pagkakatanong ni Joana.
Kinuha iyon ni Matt. Nakita niya ang sira niyang damit. Naalala niya kung paano iyon nasira. Naalala niya si George.
"Okay Ma. Sira lang itong damit, sumabit kasi ito kaya nasira."
"Ganun?" Naghalungkat pa si Joana at hinagis lahat ng sirang damit ni Matt. "Iyan? sumabit din ba ang lahat ng iyan? Wow Matt. Accidentally or intentionally?" Sa sobrang lakas ng pagsigaw ni Joana ay nagising ang mga bata.
"Mama, Papa nag-aaway po ba kayo?" Kinakatok ni Jasmine ang pinto ng kanilang kwarto. Nadidinig din nila ang iyak ng dalawa pang bata.
"Look what have you done Joana. Tinatakot mo ang mga bata!" Matigas na pagkakasabi ni Matt. Tumayo siya at tumungo sa pinto ng kwarto.
"What i have done? or you'd done? Hindi ako magkakaganito kung hindi ka naglilihim sa akin."
"Stop this madness Joana! You're scaring the kids." Binuksan ni Matt ang pinto. At nakita niya ang mga anak niya.
"Jasmine, baby. Papasukin mo na mga kapatid mo. Mayroon lang kaming hindi pagkakaunawaan ni Mama ninyo. Okay?" Humalik si Matt sa pisngi ng mga bata.
"Okay po Pa." Tumingin si Jasmine sa Mama niya. "Ma, magiging okay din po kayo ni Papa." Pilit ang ngiti ni Jasmine pero bakas sa kaniyang mukha nag pagkatakot.
"Sige na Jasmine mag-uusap pa kami ng Mama nyo." Mahinang sabi ni Matt. Umalis na ang mga bata at pumasok na ang mga ito sa kwarto ni Jasmine. Sinarado na ni Matt ang pinto ng kanilang kwarto at hinarap niya si Joana.
"See? Tinatakot mo ang mga bata!" Sabi niya kay Joana.
"Huwag mong ibahin ang usapan Matt!Just tell me the truth? Bakit mo inilihim sa akin ang mga damit na iyan? At ito pa... ano ito? Bakit may dugo itong panyo mong ito! Bakit kailangan itago mo pa ito! Gaano ba kahalaga sa iyo ito." Pinakita ni Joana ang panyong may bahid ng dugo. Naalala ni Matt na ginamit niya iyon noong sapakin siya ni George noon unang beses silang nagkasigawan sa Park.
"Okay, just calm down and i will tell you everything."
"I am prepared to listen Matt."
Umupo si Matt sa kanilang kama. Pinagmasdan niya si Joana na nakatingin sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago siya nagsalita.
"I had a fight, a serious one. And it's just happened na ilang beses akong napaaway. Ayaw ko nalang sabihin sa iyo dahil ayaw kong mag-alala ka pa. Hindi lang iyon isang beses nangyari. And i was with George noong time na nakipag-away ako. Ayon ang dahilan kung bakit may mga sira ang damit kong iyan."
"I don't believe you."
"Then talk to George. Pero sa tingin ko icocovered niya ako kasi napag-usapan namin na hindi nalang sabihin sa inyo ni Melissa, para hindi kayo mag-alala sa amin. It's a men's stuff. Hindi maiiwasan iyong mapaaway, we tried to resisted pero, they urged us to fought back. At gaya nga ng sinabi ko, hindi lang iyon isang beses nangyari." Naglabas ng malalim na paghinga si Matt, "...pero, okay na kami ngayon sa grupong iyon. Kaya, wala ka na dapat pang ipag-alala. Ayaw ko lang talagang ipaalam sa iyo. I'm sorry Ma." May pagmamakaawa sa mukha ni Matt. Pinunasan ni Joana ang kaniyang luha.
"Come near here Ma." Sabi ni Matt sa asawa. Inabot niya ang kaniyang kamay. Inaantay niyang kunin iyon ni Joana. Di nagtagal ay inabot din iyon ni Joana.
Nagkalapit sila at kinandong ni Matt si Joana. "I'm sorry Ma. I made you mad and worried."
"I'm sorry too, Pa. I'm just being paranoid. I am missing you."
"I miss you more."
Nagtagpo ang kanilang mga labi. At isang mainit na halik ang ibinigay nila sa isa't isa. Dahan-dahang inihiga ni Matt ang kaniyang sarili sa kama. Isa-isa nilang hinubad ang kanilang mga kasuotan. Ilang sandali pa ay kapwa na sila nakahubad at kapwa pinagsasaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan.
"I miss you, Pa." Bulong ni Joana habang nakapatong sa kaniya si Matt.
"I always missing you." Pabulong naman ni Matt sa taenga ni Joana.
Mabilis ang ginawang pag-angkin ni Matt sa katawan ng babae hanggang sa ibuhos niyang lahat ang kaniyang pagmamahal sa loob ng babae. Mahigpit ang binigay na pagkakayakap ni Joana sa kaniyang asawa.
"I love you, Ma."
"I love you, Pa."
--------
SA SITE kung saan nagtatrabaho si George ay tila may pagkalito parin sa kaniyang isipan. Ilang araw na niyang sinubukang tawagan si Matt ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag nito. Inisip niyang pumuntang muli sa office nito ngunit naisip niyang baka ayaw siyang makita ni Matt. Hindi pa rin sila nagkakaayos ni Melissa. Ilang araw na din siyang hindi kinikibo ng babae. Kasabay pa ng mga iyon ang kinakaharap niyang problema sa site. Nagkakaroon ng kakulangan sa gamit at mga late deliveries. Kaya patuloy ang pagsakit ng kaniyang ulo sa tuwing iniisa-isa niyang isipin ang kaniyang mga problema.
"Mr. Diaz? Are you okay?" Tanong sa kaniya ng kaniyang Boss.
"Yes Sir. I just don't feel well right now."Sagot naman ni George.
"I'd noticed it. Hindi ka naman kasi ganiyang magtrabaho." Sabi ng kaniyang Boss. "You can have your break, siguro one month... tapos bumalik ka sa site kapag okay kana. Ako muna ang bahala dito. Mas mahihirapan kang mag-isip kong madami kang problemang kinahaharap ngayon." Dagdag pa ng kaniyang Boss.
"Would it be okay for you Sir?"
Tumango ang kaniyang Boss.
"Thank you Sir. Siguro nga i need time and space to think. I'm sorry Sir."
"You don't have to say sorry yet. Basta bumalik ka dito kapag okay ka na. Kailangan ka ng Site."
Inayos ni George ang kaniyang mga gamit. At nagpaalam sa kaniyang Boss.
"Salamat ulit, Sir." Inakap niya ito at tinapik siya sa kaniyang likuran. Lumabas na siya ng Site at nagmaneho pauwi sa kanila.
Pagkauwi niya sa kanilang apartment ay kinausap niya kagad si Melissa.
"Honey are you still mad at me?" Pero wala pa ding imik si Melissa. Kasalukuyan silang nakain noon ng kanilang hapunan.
"Honey, pinagbreak muna ako ni Boss para daw makapag-isip-isip muna. Napapansin kasi niyang malalim lagi ang iniisip ko at wala sa trabaho ang utak ko. kaya he gave me a one month vacation. I want you to be with me." Sabi niya kay Melissa. Tinignan siya nito.
"---That's great. Para nga makapag-isip isip ka."
"You'll coming with me."
"No. Mas maigi kong ikaw lang mag-isa, baka sakaling pagbalik mo, maisip mo na may fiancee ka."
"Honey, i am sorry na naman oh. Please come with me. I want to make it up to you."
"Don't worry i will be fine. Mas kailangan mo iyong mag-isa."
"Hindi ba talaga kita mapipilit? Kung hindi lang din naman kita makakasama ay dirito nalang ako kasama ka."
"Kailangan mo ang bakasyon na iyon George. I told you, i will be fine here. I want to you go alone. Okay?"
Hindi na nagsalita pa si Melissa. Tumahimik na din si George at pinagpatuloy ang kanilang pagkain. Hindi talaga niyang magawang mapilit si Melissa. Malamang ay mapasa-sandaling iyon ay nasasaktan parin si Melissa sa ginawa ni George na paninigaw sa kaniyang kasintahan. At sa tuwing nakikita niya ang babae na tahimik at hindi siya kinikibo ay nalulungkot siya. Alam niyang napakalaki ng pagkukulang niya sa babaeng pakakasalan niya. At gusto talaga niyang bumalik na ang dati nilang paglalambingan.
Pero tila hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Sa mga sandaling iyon ay iniisip parin niya si Matt na hindi na rin siya pinapansin. Kaya siguro nga ay tama ang babae na kailangan niyang mapag-isa at mag-isip-isip kung ano ang nararapat na dapat niyang gawin.
----------
"Ma, do you still remember about sa sinasabi mo sa akin refreshment. I think i need it." Sabi ni Matt habang nakahiga sila sa kaniyang higaan.
"Oo naman. That would be better, para naman bumalik ang dati mong sigla. Puro nalang work ang nasa isipan mo. You should give yourself a time to refresh." Sabi ni Joana.
"Thank you Ma. Siguro mga isang buwan akong mawawala. Don't worry, wala akong gagawing masama, at hindi rin ako makikipag-away." Nakangiting sabi ni Matt.
"You should keep away yourself from trouble."
"Yes."
"Gusto mo sama ka sa akin?" Tanong ni Matt.
"Hindi na, mas maigi kong ikaw lang mag-isa. Hahayaan kitang magbuhay binata, pero sisiguraduhin mo lang na wala kang gagawing ikagagalit ko okay?"
"Oo naman, Ma." Niyakap siya ng mahigpit ni Joana. "Thank you, Ma."
-----------
Tinext ni George si Matt na magkita silang dalawa sa Park. Hindi na rin nagawang hindian ni Matt si George. Gusto narin naman niya itong makausap. Matagal tagal na din niya itong hindi nakikita o nakakausap man lang.
Kagaya ng dati ay nauna si Matt sa kaniyang tagpuan.
Umupo si George sa bench.
"Kamusta ka na?" Tanong ni George.
"Okay lang. Kayo ni Melissa?"
"............................" Hindi makasagot si George. Huminga ng malalim si Matt.
"I will be having my break." Sabi ni Matt.
"Me too." sagot ni George. Napatingin si Matt sa kaniya.
"I miss you George."
"I miss you too, Dude. Pero si Melissa----"
"What about her?"
"Hindi pa rin niya ako pinapansin. Namimiss ko na ang aking fiancee. Nasabi ko na din sa kaniya na baka magbakasyon muna ako, inaya ko siyang sumama sa akin pero. Sinabi niyang mas maigi daw na mag-isa lang akong mabakasyon."
"Do you want to come with me?" Tanong ni Matt.
Napatingin si George sa kaniya.
"...Para natin mapag-usapan natin kung ano ba ang dapat nating gawin sa relasyon nating ito." Dagdag pa ni Matt.
"Do you still love me Dude?" seryosong tanong ni George.
"I told you once, i will still love you even if you say no more for me." Seryosong sagot ni Matt.
"I still love you. But i really misses Melissa." Yumuko si George.
"Masyado ka kasing naging pabaya sa kaniya. Mas ako binigyan mo ng pansin. Naging patas ang ako pagdating ko sa iyo at pagdating ko sa Pamilya ko kaya wala akong naging problema sa kanila. Pero siguro kong hindi pa dahil sa pakikipag-usap sa akin ni Melissa baka nalaman na ni Joana ang ginagawa natin dahil sinubaybayan niya ako noong nagdaamg araw, mabuti nalang at hindi tayo nagkikita." Sabi naman ni Matt.
"Okay, i will come with you."
"Good." Lumapit si Matt kay George at muling nagdikit ang kanilang mga braso. Humiga si George sa balikat ni Matt.
"Everything will gonna be alright." Dagdag pa ni Matt.
"Hopefully...." Sabi naman ni George.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment