Sunday, January 27, 2013
IT'S JUST TOO LATE DUDE. BUT I HAD A GREAT - CHAPTER 10
"Chapter 10"
NAPA-ISIP si George na kailangan niyang kausapin si Joana dahil hindi ito naging patas sa kanilang napag-usapan. Wala siyang ideya kung saan ito makikita kaya humingi siya muli ng tulong sa kaniyang kaibigan upang makakuha ng mga Address na maaring puntahan ng mag-iina.
Nakakuha siya ng 3 Addresses. Hindi siya nagsayang ng oras at isa-isa nya iyong pinuntahan.
Sa unang dalawang address na napuntahan niya ay nabigo siyang makita si Joana.
Sa ikatlong address ay hindi siya nawalan ng pag-asa.
Pinindot niya ang doorbell ng Gate. Naghintay siya na magbukas ang pinto. Pagkabukas nito ay bumungad sa kaniya ang isang matandang babae.
"Good Afternoon po, nandiyan po ba si Mrs. Joana Alvarez?" Magalang na pagtatanong ni George. Kagaya ng mga naunang bahay. At pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.
"Pasensya na hindi dito nagagawi ang pamangkin ko." Sabi ng matanda.
"Ganoon po ba? May alam po ba kayong pwede ninyang puntahan? Kaibigan po kasi nila ako ni Matthew Alvarez. Gusto ko lang siyang makausap."
"Wala. Sige, makakaalis ka na."
Tila nararamdaman ni George na may tinatago ang matandang iyon. Noong isasara na ng matanda ang pinto ay may tumawag sa pangalan ni George.
"Kuya George!" Boses iyon ni Jessica.
Napatingin si George sa loob. Pinigil ni George na magsara ang pinto.
"Please naman po, i want to talk to Mrs. Alvarez." Pagmamakaawa ni George.
"Jessica, go to your room." Boses iyon ni Joana. "Tita, let him in." Sabi ni Joana.
Wala nang nagawa ang matanda kundi papasukin ang lalaki.
NGAYON ay nasa loob sila ng sala. Magkatapat. Nakasandal si Joana habang naka'de'kuatro ang kaniyang mga binti. Magkahawak ang kaniyang dalawang palad na nakapatong sa kaniyang tuhod.
"What are you doing here?" Malumanay ang pagkakatanong niya kay George.
Tuwid ang pagkakaupo ni George. Diretso ang tingin niya kay Joana.
"Why did you leave your husband?" Tanong nito.
Silang dalawa lang ang nasa loob ng sala ng mga sandaling iyon.
"It's none of your business."
"I was a part of it."
"Was? or still a part of it?"
".............................."
"Bakit hindi ka makapagsalita? Nakalimutan mo ba ang mga sasabihin mo sa akin? o sadyang si Matt parin ang laman ng isipan mo kaya halos nakalimutan mo na ang lahat?"
"Hindi ako ang issue dito Joana. Sinabi mo sa akin layuan ko si Matt, and i did it. Pero anong ginawa mo? Iniwan mo parin siya."
"Oh bakit? Hindi ba iyon naman ang gusto mong mangyari? Both of you are now free sa kung ano man ang gusto ninyong gawin."
"Urgh! You're so unfair." Tumitigas na ang pananalita ni George.
"Ako pa ngayon ang unfair? di ba kayong dalawa?" Kalmado lang si Joana.
"Stop acting stupid Joana! I gave up Matt para maging okay kayong dalawa dahil ayaw kong ako maging dahilan ng paghihiwalay ninyo."
"I am not acting stupid here. I am just being the mother of my daughters. Oo, you gave up Matt, pero alam mo bang ikaw parin ang naglalaro sa isipan niya? Nalason mo ang isipan ng asawa ko George. At alam mo kung gaano kasakit iyon?" Nagsimulang mamasa ang bawat sulok ng mata ni Joana. "...ako ang kasama niya, kami ng pamilya niya. Pero hindi kami ang laman ng isipan niya, George!"
"Hindi iyan totoo! Hinding-hindi niya kayo kayang ipagpalit para lang sa akin. At hinding-hindi ko hahayaang papiliin siya dahil---"
"Dahil ano? Dahil may Melissa ka? O nasaan na ngayon si Melissa. She's the sweetest girl na nakilala ko, pero anong ginawa mo? Hinayaan mo siyang mawala. Kung alam mo naman palang hindi kami kayang ipagpalit ni Matt sa iyo bakit mo pa pinagsisiksikan ang sarili mo sa kaniya! bakit George? ano bang nagawa ng pamilya ko sa iyo? Naging mabuti kami sa iyo, sa inyo ni Melissa. Pero sinira mo ang pagtitiwala ko sa iyo, sinira mo ang pamilya ko George." Hindi na napigilan pa ni Joana ang pag-iyak.
"I'm sorry, but please naman. Bumalik na kayo kay Matt. Alam kong hindi mo ako ganoon kadali mapapatawad, but kaya kong lumayo at hindi na magpakita sa asawa mo maging okay lang kayo."
"Hindi iyon ganun kadali George, nakatatak kana sa isipan ng asawa ko, at kahit pa lumayo ka. Hindi ka mawawala sa isipan ni Matt, kilala ko ang asawa ko. At kung gusto ka niyang kalimutan dapat noon pa. At sana noon mo pa naisip iyan."
"Anong gusto mong gawin ko para maging okay ang lahat."
"Wala. I want you to go right now."
"Please Joana." Lumapit si George kay Joana at lumuhod sa harapan ng babae.
"Don't do this George. I pity you! Hindi dahil sa ginagawa mo ngayon kung hindi dahil sa hindi mo na alam ang gagawin mo ngayong nagulo mo na ang lahat. Pinasok mo iyan, solusyunan mo!" Inilayo ni Joana si George.
Naiwan si George sa sala na sobrang nagsisisi.
"Pagkatapos mong umiyak diyan, pwede ka ng umalis. And please lang George. I don't want to see anymore." Nakatayo si Joana sa pinto malapit sa hagdan patungo sa itaas.
Ilang minuto din nakaupo si George sa sahig bago siya muling tumayo. Pinunasan niya ang kaniyang luha. Lumabas siya sa bahay at nakasalubong niya si Jasmine.
"Kuya George?"
Lumuhod si George sa harap ng bata.
"I'm sorry Jasmine."
"Bakit po kayo nagsosorry?" May bahid ng pagtataka sa mata ng bata.
"Just want to say sorry. Hindi mo pa mauunawaan sa ngayon at hindi ko alam kung mauunawaan mo din pagdating ng panahon. Basta promise me that you'll be a good girl, at lagi kang makikinig sa Mama mo. Okay?"
Tumango si Jasmine na tila naawa kay George. Kahit bata pa siya ay nararamdaman niyang may dinadalang problema ang kuya George niya.
"I have to go." Tumayo si George sa pagkakaluhod at naglakad pabalik sa kaniyang sasakyan ng hindi na lumilingon. Pinagmasdan siya ni Jasmine habang papalayo siya.
Pinaandar ni George ang kaniyang sasakyan. Hindi na siya tumungo muna sa kaniyang trabaho. Malalim ang kaniyang iniisip.
Tahimik niyang pinasok ang kanilang apartment. Hindi na niya binuksan pa ang ilaw. Dumiretso siya sa kusina. Binuksan niya ang fridge at kumuha ng bote ng alak. Pwumesto siya sa sala at doon sinimulang inumin ang alak. Halos hindi na niya nalalasahan pa ang alak. Para sa kaniya ay tubig lang iyon, at tila uhaw na uhaw siya kaya nakailang bote siya.
Noong napansin niyang hindi na kaya ng katawan niya pang tumayo upang kumuha pa ng alak ay humiga nalang siya sa couch. Hindi siya makatulog. Nakamulat ang kaniyang mga mata.
Sinasariwa niya ang mga alaalang nagawa niya kasama si Matt. Mga bagay na ginawa nila na humantong sa ganitong uri ng problema. Isang napakabigat na problema. Hindi na niya alam pa kung sino ang pupuntahan. Hindi na niya alam pa kung sino ang kakausapin.
Ngayon ay nag-iisa siya. Walang kasama, walang kausap. Nakakabinging katahimik ang bumabalot sa loob ng madilim na apartment. Wala siyang nakikita kung hindi ang mga boteng nakatumba sa harapan niya.
Nadama niyang tumulo ang kaniyang luha.
Ang gabing pagproposed niya kay Melissa. Ang araw ng pagkabunggo niya kay Matt. Ang umagang nagkita silang muli sa parke. Ang mga sandaling magkakasama silang lahat na nagbakasyon. Sadyang napakabilis ng mga pangyayari. Iniisa-isa niya kung saan siya nagkamali.
At pumasok sa kaniyang isipan ang gabing hinatid siya ni Matt dahil sa kaniyang kalasingan...
----------
"Dito na tayo George." Sabi ni Matt. Dinilat ni George ang kaniyang mga mata. Inilagay niya ang magkabilang daliri sa kaniyang mga mata at kinusot iyon. At malakas na huminga ng malalim.
"Salamat sa paghatid." Sabi niya. Ngumiti si Matt. Kinuha ni George ang Helmet na nasa likod. Hindi muna siya lumabas. Tumingin siya kay Matt. Napatingin din sa kaniya ito.
"......" katahimikan.
Bigla ay inilapit ni George ang sarili kay Matt. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Matt noong napansin niyang papalapit sa kaniya si George. Limang pulgada ang layo ng kaniyang mga mukha noong tumigil si George sa paglapit. Nakatingi sa kaniyang mga mata si Matt. ".........."
Mabilis na dinampi ni George ang kaniyang mga labi sa labi ni Matt...............
-------------
Malamang ay doon nagsimula ang lahat. Kung pingilan lang niya ang sarili niyang hindi idampi ang kaniyang labi sa mga labi ni Matt baka sakaling hindi humantong ang lahat sa ganito. Wala sana siyang iisiping problema ngayon, hindi sana siya nag-iisa ngayon. Kasama sana niya ngayon sana si Melissa. Kayakap at kalambingan.
"Huli na nga ba ang lahat?" mahina niyang ibinulong sa kaniyang sarili at dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.
GUMISING siya na mayroon kumot sa kaniyang katawan. Sa pagkaalala niya ay hindi na niya nakayang pang tumayo. Napansin niyang wala na sa kaniyang harapan ang mga nagkalat na bote. Noong bumangon siya, napansin niyang iba na ang suot niyang tshirt at tanging shorts nalang ang ipangbaba niya.
Sa kaniyang ulirat ay nakadinig siya ng ingay ng nilulutong pagkain na nagmumula sa kusina.
Agad siyang tumayo at sinilip ang takore na nag-iingay dahil sa pagkulo nito. Nakita niya ang babaeng lumapit sa takore. Hindi siya maaring magkamali.
"Honey?" Mahina lang iyon pero nagawang niyang mapukaw ang atensiyon ng babae at lumingon iyon sa kaniya.
Nakangiti ito. Inaalam ni George kung nananaginip lang ba siya, dahil kung 'oo' ay ayaw na niyang gumising pa.
"Gising ka na pala. Nakahanda na ang almusal natin." Nakangiting sabi ni Melissa.
Noong nadinig niya itong nagsalita at mabilis na tumakbo si George papalapit sa babae. Niyakap niya ito ng sobrang pagkahigpit higpit.
"Honey, i miss you so much!" Hinawakan niya sa magkabilang pisngi ang babae.
"I miss you too baby." Sagot ni Melissa.
Hinalikan ni George sa labi si Melissa. Matagal iyon. Sabik na sabik siya sa babae. Pakiramdam niya na muling nabuo siya.
"I'm sorry honey if i have done something wrong. Hindi na mauulit. Promise. Huwag mo lang akong iiwan ulit, hindi ko na alam ang gagawin ko noong nalaman kong wala ka dito sa bahay." Tuloy tuloy ang kaniyang pagsabi sa babae, "...i love you honey, i love you, i love you. i love you." Paulit-ulit niyang binigyan ng halik ang babae.
"I'm sorry too baby. Hindi ko pala kayang mawala ka sa buhay ko. Ngayo pa na...." Hinawakan nito ang kaniyang tiyan.
"God--------" Bulaslas ni George.
"I'm pregnant baby." Nakangiting sabi ni Melissa at tila may masang luha sa paligid ng kaniyang mata sa sobrang kasiyahang muling makita si George.
Sa sobrang saya ni George at nakarga niya si Melissa.
"Wala ng mas sasaya pa sa akin sa mga sandaling ito, ngayong bumalik ka na sa akin at sa iyong pagbalik ay magiging isa na akong daddy. Sobrang saya ko honey. i'm sorry talaga. Promise hinding-hindi na kita pag-aalalahin pa mula ngayon. Promise me that you'll stay with me forever."
"I promise baby."
Hindi naalis sa labi ni George ang ngiti sa labi ngayong nasa harapan na niyang muli ang babae. Tila ayaw niyang iiwas ang kaniyang mga mata sa babae. Nais niya lang itong makita, sobrang namiss niya ang babae.
Paulit-ulit niyang sinabi na.
"I love you--- i love you--- i love you----" kay Melissa.
Ramdam naman ni Melissa na bumalik na ang dating kaniyang kasintahan. Ngayon ay sigurado na siya sa lalaking papakasalan siya. Wala na siyang alinlangan pa.
-----------
ISANG hapon inabangan ni Matt si Jasmine sa paglabas nito sa school nito pero ang tanging nakita lang niya ang ang binatang dinala ni Jasmine sa kanilang bahay. Lumabas siya sa kaniyang sasakyan at nilapitan niya ang lalaki.
"Can i talk to you?" Tanong niya sa binata.
"Okay Sir." Nag-alisan ang iba pangkasama ng binata.
"Nagkikita pa ba kayo ng anak ko?"
"..............."
"Huwag kang mag-aalala, hindi kita nilapitan para sabihin sa iyong layuan mo ang anak ko. Gusto ko lang malaman kong nagkikita pa ba kayo."
"Noong pinagtabuyan ninyo ako sa bahay ninyo, kinausap ako ni Jasmine na tigilan ko na siya. Labag man sa kalooban ko pero, so, i tried to understand her. Ayaw ko pong makagalit ang pamilya ng taong mahal ko. Dahil ayaw kong masaktan si Jasmine. Bata pa naman din kami, kaya sa ngayon... hindi na kami nagkikita." Paliwanag ni Gilbert.
"Ganoon ba? I'm sorry kung pinaalis kita sa bahay. I shouldn't have done that."
"Nauunwaan ko po kayo Sir. Babae po ang anak ninyo and iniisip ninyo lang kung anong alam ninyong makakabuti para sa kaniya. Mabait na babae si Jasmine kaya nagustuhan ko siya. At gusto ko pong sabihin sa inyo na, malinis po ang intensiyon ko para sa anak ninyo. Noong araw na pumunta ako sa bahay ninyo, ako ang nagpumilit kay Jasmine na makilala ko kayo. Dahil ayokong mahalin ang anak ninyo ng patago."
Tila hindi alam ni Matt ang sasabihin mula sa narinig sa binata.
"Yeah. Sige, pagnakita mo si Jasmine, paki-sabi sa kaniya na miss na miss na siya ng Papa niya."
"Bakit saan po ba pumunta si Jasmine?"
"She's fine, she's with her mother."
"Okay po. Makakaasa po kayo."
"Thanks. Pwede mo na ulit na lapitan ang anak ko, pero siguraduhin mo lang na hindi mo paiiyakin o sasaktan ang anak ko dahil ako makakalaban mo."
"Yes Sir. I'll remember that!" Gumuhit sa labi ng lalaki ang kasiyahan.
Pagtalikod ni Matt ay muli siyang tinawag ng binata. Lumingon siya.
"Sir, bago po kami maghiwalay ni Jasmine... nasabi niya sa akin sa Lola Berna daw muna nila sila tutuloy."
"Salamat. By the way, I'm Matt. You're?"
"Gilbert Martinez... Sir." Nakangiting sabi ng lalaki.
"A pleasure to meet you."
Tumalikod na si Matt at sumakay sa kaniyang sasakyan. Tinungo niya kaagad ang bahay na tinutuluyan nila Joana.
IPINARADA ni Matt ang kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay. Bumaba siya at naglakad papalapit sa pintuan ng bahay.
Pinindot niya ang Doorbell. Huminga siya ng malalim.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto.
"Tita, i know my family is inside. Can i see them? Please." Malungkot ang itsura ni Matt kaya agad niyang nakuha ang loob ng kaniyang auntie.
Pumasok siya.
"Tawagin ko lang si Joana. Maupo ka muna diyan." Sabi ng matanda.
"Salamat po." Umupo si Matt sa couch.
Maya-maya pa ay bumaba si Joana mula sa itaas. Nakatingin ito sa kaniya habang pababa ito.
Ngayon ay magkaharap na silang dalawa.
"Kung gusto mong makita ang mga bata, wala sila ngayon dito." Sabi ni Joana.
"I want to talk to you."
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa."
"Please naman. I want to make it up to you."
"It's too late Matt."
"No. Alam kong malaki ang pagkakamaling nagawa ko pero sana naman bigyan mo ako ng pagkakataong makabawi. Mahal kita Joana."
"At si George? Mahal mo din siya?"
"Huwag natin siyang idawit dito."
"Bakit? Di ba dahil sa kaniya kung bakit ka nagkaganiyan?"
"I swear to you, nagsisisi na ako. I love you Ma. I miss you, our kids... bumalik na kayo sa akin."
"I still love you Matt at hindi iyon ganoon kadaling mawala. Pero, sobra akong nasaktan sa nalaman ko. Kaya hindi mo ako masisisi kong --- kong--- ayaw muna kitang makita. Alam ko, nararamdaman kong meron parin diyan sa puso mo para kay George. At iyon ang hindi ko matanggap, Pa."
"Ma--- I'm sorry. Please forgive me, just once."
"Umalis ka na."
"Ma-- huwag mo naman akong pagtabuyan oh, gusto kong mabalik ang dating tayo."
"Mangyayari lang iyon kapag bumalik ang dating asawa ko. Hindi ang kausap ko ngayon. Hindi ikaw si Matt na nakilala ko, na pinakasalan ko, dahil ang taong kinilala kong Matt ay hindi magagawang maglihim sa akin. Hindi magagawang gumawa ng alam niyang hindi ikagaganda ng takbo ng buhay ng pamilya niya."
"Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito Ma... hindi ko na alam ang gagawin ko sa tuwing gumigising ako sa umaga na hindi ko kayo nakikita, na hindi ko kayo naririnig. Namimiss ko na talaga kayo. Bumalik na kayo sa akin."
"No--- Just go." Tumayo si Joana at iniwan si Matt sa couch. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang mga luha. Tumakbo siya sa kaniyang kwarto at sinarado niya iyon. Napasandal siya likod ng kaniyang pinto at sinubsob niya ang kaniyang mukha sa kaniyang palad.
"Matt--- i will always love you. But you have to learn from your mistake." Bulong ni Joana.
Tumayo naman si Matt at tila mas lalong nawalan ng gana pang mabuhay. Ramdam niyang hindi na kailan pa muling maayos ang buhay niya.
Dapat na niyang tapusin kong ano man ang nararamdaman niya para kay George. Dahil magsisinungaling siya sa kaniyang sarili kong sasabihin niyang wala na siyang nararamdaman para kay George.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment