Sunday, January 27, 2013
IT'S JUST TOO LATE DUDE. BUT I HAD A GREAT - CHAPTER 9.2
"Chapter 9.2"
KINABUKASAN ay magaang gumising ang dalawa upang asikasuhin ang kanilang mga gamit. Tapos na ang kaniyang isang buwan pagsasama at kailangan na nilang bumalik sa mga babaeng naghihintay sa kanila.
Inabangan ng dalawa sa labas ng Lobby nag kani-kanilang sasakyan. Unang dumating ang sasakyan ni Matt at sumunod ang sasakyan ni George. Sumakay sila at unang pinatakbo ni Matt ang kaniyang sasakyan. Sumunod si George.
Kagaya noong una ay nauunang muli si Matt at nasa likuran naman si George.
Ilang oras muli ang kanilang tinahak ng bihaye.
Huminto sa isang flowershop si George upang bilhan si Melissa ng isang bouquet ng pulang rosas. Kumain na din muna ang dalawa sa isang restaurant.
"D'ya think magugustuhan ni Melissa ang mga rosas na ito?" Tanong ni George.
"Oo naman." Sagot ni Matt,"...bumili din ako ng mga papasalubong ko sa mga anak ko at sa asawa ko." Dagdag pa niya.
Pagkatapos ay muli nilang tinahak ang highway.
Noong nakapasok siya sa kanilang syudad ay naghiwalay na sila ng landas.
----
Hindi naalis sa ngiti ni Matt sa kaniyang labi. Isa na siguro iyon sa pinakamasayang nangyari sa buhay niya, ang makasama si George na walang iniisip na alinlangan.
----
Hindi naman makapaghintay na muling makita ni George ang kaniyang fiancee na si Melissa. Yayapakin niya ito at hahalikan sa oras na makita niyan muli ito.
----
Pinagmamasdan naman ni Matt ang kaniyang mga pinamili para sa kaniyang mga anak at para sa kaniyang asawa na nasa passenger seat.
----
Narating na ni George ang kanilang apartment at sabik na sabik na siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.
---
Kadarating lang din ni Matt sa kanila. At sa gate palang ng kanilang bahay ay nakasalubong na sa kaniya ang kaniyang Pamilya na bakas sa mga mukha nito ang pagkasabik na muli siyang makita at mayakap ng mga ito.
---
Ipinasok ni George ang kaniyang sasakyan sa kanilang garahe. At pinatay ang makina. Inayos niya ang kaniyang sarili. Kinuha niya ng bulaklak at lumabas ng kaniyang sasakyan.
---
Iginarahe naman ni Matt ang kaniyang sasakyan at masayang lumabas sa kaniyang sasakyan habang bitbit niya ang kaniyang mga pinamili para sa pamilya.
---
Naglakad si George patungo sa pintuan ng kanilang bahay, pero napansin niyang tila nakasara iyon at walang tao. Inisip niyang mas maigi iyon na lumabas si Melissa upang sa pagbalik nito ay makikita siya. Siguro naman sa pagkakataong iyon ay sabik na si Melissang makita siyang muli.
Binuksan niya ang pinto. At dahan-dahan pumasok sa loob ngunit mayroon siyang napansin.
----
Pumasok na sa loob ng bahay ang buong pamilya ni Matt, masaya niyang ikunuwento ang mga nangyari sa kaniyang pagbabakasyon, pero syempre hindi niya isinama sa kwento niya si George.
----
Napansin ni George na tila ilang araw ng walang tao sa loob ng kanilang apartment, bakas sa mga gamit na tila hindi na nagalaw pa. Nag-ikot-ikot pa siya sa loob ng kanilang bahay. Hanggang sa makapunta siya sa Kusina. May nakita siyang puting papel na naka-ipit sa magnet na nakadikit sa fridge.
----
"Napadaan nga pala si Melissa dito noong nakaraang Linggo." sabi ni Joana.
"oh anong sabi niya?" tanong ni Matt.
"Nasabi niyang nagbakasyon daw si George. Naisip ko nga na dapat nagsama nalang kayong dalawa." nakangiting sabi ni Joana.
"Ganoon ba?" Napatigil siya, kung alam lang ni Joana na magkasama talaga silang dalawa. At hindi man lang talaga naghihinala si Joana sa mga sitwasyon na sabay silang nawala ni George. "...bakit daw napadalaw si Melissa?"
----
Nalaglag ni George ang kaniyang hawak ng bulaklak noong nabasa niya ang sulat. Biglang napatulo ang kaniyang luha.
----
"May pupuntahan daw siya, pero hindi niya sinabi sa akin ang dahilan. Napadaan siya para makita daw ang mga bata." Sabi ni Joana.
"Kelan pa umalis?"
"Noong nakaraang Linggo pa."
----
"Baby, aalis muna ako--- huwag mo muna akong hanapin, gusto ko munang mapag-isip-isip mag-isa. Huwag kang mag-alala nasa mabuti akong kalagayan ngayon. Mahal na mahal kita baby ko at ayaw kong mawala ka sa akin, pero sa ipinadama mo sa akin noong mga nagdaan araw ay tila nanlamig ka na sa pakikitungo sa akin. Naramdaman kong sinusuyo-suyo mo ako, pero hindi na iyon kagaya noon. Meron parin diyang bumabagabag sa iyo. Kaya, sa pagkakataong ito... ako muna ang lalayo para narin sa ating dalawa."
----iyon lang ang nakasulat doon. Hindi iyon lubos na maunawaan ni George. Tila nanlumo siya, kung kailan namang handang-handa na siyang muling suyuin at ligawan ang kaniyang fiancee ay saka naman ito biglang nawala. Bigla siyang napaupo at napasandal sa fridge. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa kaniyang mga palad.
"Fuccccccccccccckk!" Pagkakasabi niya.
Hindi na niya napigilan pa ang matinding pagkalungkot. Naisip niya na bakit nga ba hindi niya pinilit nag babae na isama sa kaniya, inisip niya na mas masaya nga ba siya na kasama niya si Matt kesa kay Melissa? Dapat ay hindi niya ito iniwan. Sana ay hindi nalang siya nawala ng isang buwan ng sa gayun ay nakakasama pa din niya si Melissa. Naisip din niya nadapat ay tinatawagan niya ito kahit pa nasa bakasyon siya kasama si Matt.
Marami siyang pagsisisi na bumabagabag sa kaniyang isipan ng mga sandaling iyon.
Nagring ang kaniyang phone. Si Matt ang tumatawag sa kaniya.
Hindi niya iyon sinagot. Malalim ang kaniyang iniisip. Malayo ang kaniyang tingin.
-----
"George, sagutin mo naman ang tawag----" sambit ni Matt habang pilit na kinokonekta ang tawag kay George. Pero kahit mapailang ulit niyang tawagan ang lalaki ay hindi nito sinasagot ang tawag.
-----
Tumayo si George sa pagkakahiga at muling lumabas. Sumakay siya sa kaniyang sasakyan at sinimulan niyang hanapin si Melissa. Nais niya itong makausap na muli, nais niyang makita na itong muli.
Sinubukan niyang tawagan ito ngunit, unattended ang numero nito.
Pinuntahan ni George ang lahat ng bahay na maaring puntahan ni Melissa. Ngunit walang naitulong ang mga iyon sa kaniyang pagbabakasakaling may makukuhang impormasyon mula kay Melissa.
Nawalan na siya ng pag-asang makita si Melissa noong araw na iyon. Hindi na niya inalintana ang pagod at gutom. Gabi na noong nakauwi siya sa kanilang apartment. Nagbabakasakaling pagbalik niya ay nandoon na si Melissa na naghihintay sa kaniya.
Pero nabigo siya.Wala 'ni anino ni Melissa. Nakaramdam siya ng sobrang pagkalungkot. Pumasok siya sa kwarto nila at kinuha niya ang litrato nila ni Melissa na nakaFrame. Niyakap niya iyon.
"Honey, nasaan ka na ba? Nandito na ako oh... Miss na miss na kita." Malungkot niyang pagkakasabi habang yakap niya ang litrato nilang dalawa. Hindi na niya napigilan pa ang pagluha.
----
Hindi na rin nagawang makausap pa ni Matt si George sa araw na iyon kaya naman ay nakadama siya ng pag-aalala kay George.
SA PAGKAGISING ni George ay agad siyang bumangon, nagbabakasakaling nasa kusina na si Melissa at naghahanda ng kanilang almusal. Pagtungo niya sa kusina ay ang bulaklak lang na binili niya ang kaniyang nakita na nasa sahig. Dinampot nya iyon at inilagay sa base. Tahimik siya, walang kibo, tulala. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang araw.
Wala siyang ganang kumilos ng mga sandaling iyon. Umupo siya sa tumba-tumba na nasa balcony. Kinuha niya ang kaniyang phone. Nakita niyang madaming missed calls at textmessages mula kay Matt. May isang message din mula sa kaniyang Boss. Nangangamusta ito kung kailang siya babalik sa trabaho. Tinawagan niya ito.
Ngunit voicemail ang sumagot sa kaniyang tawag.
"Sir, si George Diaz to. Baka next week pa ako makabalik sa Site. Thanks." Iyon lang ay binaba niya ang kaniyang phone. Sinimulan niyang basahin ang mga mensahe ni Matt mula sa pina-recent messages nito.
"Morning! George, kamusta ka na? Nag-aalala na ako sa iyo, kahapon mo pa hindi sinasagot ang tawag ko o mga mensahe ko man lang. Dito ako sa bahay, hindi muna ako pumasok, kung may time ka, tawagan mo ako. Okay?"
"Good Morning. Kamusta ka na? Hopefully, you're fine."
"Good Evening. Kamusta ka? Text ka o tawag ka sa akin kapag okay ka na okay? I miss you."
Binasa pa niya ang iba pa, hanggang sa pinakauna nitong mensahe.
"George, salamat sa pagsama mo sa akin, i really i had a good time. Ingat sa pag-uwi. Call me kapag nakauwi ka na. Okay? I love you."
Bumuntong hininga si George at sinimulang magreply sa message ni Matt.
"PASENSYA NA NGAYON LANG NAKAPAGREPLY. HINAHANAP KO KASI SI MELISSA MAGHAPON KAHAPON, WALA KASI SIYA DITO SA BAHAY PAG DATING KO. HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO." ---- sent.
Inilapag niya ang kaniyang phone sa table. Ilang sandali lang ay nakarecieved siya muli ng text.
"Naikwento sa akin ni Joana na pumunta daw si Melissa dito sa bahay. Weeks ago, pero hindi niya alam kung pumunta si Melissa."
Agad siyang nabuhayan sa responsed message ni Matt.
"NANDIYAN BA SI JOANA NGAYON, PWEDE BA AKONG PUMUNTA DIYAN?" Mabilis na tanong ni George.
"Oo naman. Sige, we will be waiting you here." Sagot ni Matt.
Mabilis na nagbihis si George at agad tumungo sa kanilang garahe. Kinuha niya ang kaniyang motor. Sinuot ang Helmet at sinimulang paandarin ang makina ng kaniyang motor.
Mabilis naman niyang narating ang bahay nila Matt.
Kasalukuyan silang nasa loob ng Sala ng bahay nila Matt.
"Tinawagan mo na ba?" tanong ni Joana.
"Oo. Ilang beses na. But, i did not help. Unattended ang kaniyang number." Sagot ni George, "wala ba siyang nasabi kong saan siya pupunta?" Dagdag na pagtatanong ni George.
"Wala eh, parang wala naman siyang problema noong pumarito siya kaya hindi na ako nagtanong-tanong, noong nagtatanong ako about sa kasal ninyo. Nakangiti naman niyang sinasabi na hindi na daw siya makapaghihintay pa na sumapit ang araw na iyon. Baka naman may pupuntahan lang. Babalik din iyon kung wala ka namang nagawang hindi niya kinagusto." nakangiting sabi ni Joana.
"Ganoon ba. Nag-aalala na kasi ako. Pero--- bago kasi talaga ako umalis ay, parang may sama siya ng loob sa akin. Pinapasama ko siya sa bakasyon pero hindi ko siya napilit. Hindi ko alam na aalis na pala siya." Sabi ni George.
"Ganoon talaga ang mga babae, masyado kasi kaming sensitibo lalo pa't nalalapit na ang kasal. Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan namin. Nandiyan ang mga bagay na baka hindi na sumipot ang aming mapapangasawa sa simbahan o biglang magbago ang isipan ng mapapangasawa namin na hindi na ituloy ang kasal. Dapat bilang mapapangasawa niya dapat naging sensitibo ka rin sa nararamdaman ng fiancee mo." Paliwanag ni Joana.
"............" Natahimik nalang si George dahil naisip niyang marami siyang pagkukulang talaga sa kaniyang Fiancee. Hindi na niya naisip na maaring mag-alala ng husto si Melissa sa mga kinikilos niya. Hindi na niya iniisip ang nararamdaman ng babae. Ngayon ay sobrang naguguilty na siya.
"Kukuha lang ako ng maiinom." Sabi ni Matt.
"Hindi na Pa ako nalang..." Nakangiting sabi ni Joana. Tumayo ito at dumiretso sa kusina.
Naiwan si Matt at George sa Sala.
"I miss her Dude." Bulong ni George.
"I understand..." Sabi ni Matt.
"I don't know what else to do...gusto ko nang makita ulit si Melissa." Hindi na napigilan ni George ang kaniyang pag-iyak. Agad namang lumapit sa kaniya si Matt.
"Anu kaba... okay lang iyon, babalik din siya."
"Paano kung hindi na? Paano na ako?" Malungkot na pagkakasabi ni George.
"I'm still here for you." Mahinang pagkakasabi ni Matt.
"I don't know if i can stand without her, Dude. She's my life."
"I know.. i know.. everything will be fine. Okay." Sabi ni Matt.
Nabigla siya noong bigla siyang yakapin ni George. Inisip nalang niya na gusto lang ni George ng taong mayayakap ng mga sandaling iyon. Kaya niyakap na din niya si George.
----
Palabas naman ng kusina ni Joana habang dala niya ang inuming juice. Nakita niyang magkayakap ang dalawa. Napangiti siya kaya pinagpatuloy niya ang kaniyang paghakbang.
----
"I don't wanna lose her, dude." Pabulong na sabi ni George.
"You will never lose her." Sagot naman ni Matt.
"I don't wanna lose you too."
"Of course you won't"
Inilayo ni George ang kaniyang pagkakaykap niya kay Matt at hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi nito.
----
Napahinto si Joana sa paglalakad noong napansin niyang hawak ni George ang pisngi ni Matt. Mas kinabigla niya noong....
----
Walang alinlangang nilapat ni George ang kaniyang mga labi sa labi ni Matt.
----
Napaatras si Joana sa nakita. At napasandal sa gilid ng kusina. Biglang napatulo ang kaniyang luha. Inilapag niya sa table ang kaniyang hawak-hawak. Hindi siya makapaniwala sa nakita.
----
Inilayo ni George ang kaniyang sarili kay Matt.
"I love you, Dude."
"Yeah. I can feel it."
---
Pinunasan ni Joana ang kaniyang mata. Tumindig siya ng tuwid. Kailangan hindi siya mahalata na nakita niya ang ginawa ng dalawa.
Lumabas na siya ng kusina. At lumapit sa dalawang lalaki.
"Did you cry George?" Tanong ni Joana.
"Don't mind this..." Pinunasan ni George ang kaniyang mata.
"You should drink this cold juice baka sakaling mabawasan ang init na nararamdaman ng katawan mo." Nakangiting sabi ni Joana.
Napatingin si Matt kay Joana. Hindi naman iyon pinansin ni George.
"Thank you." Sabi ni George. "I should go now..." dagdag pa ni George.
"Yeah, you better go." Sabi ni Joana. "...malay mo nasa bahay mo na si Melissa."
"Hopefully..." Maikling sagot ni George.
"Basta sa susunod huwag kang gagawa ng bagay na ikagagalit ng husto ng babae. At iisipin mo rin ang ibang taong maaring magalit sa iyo sakaling may magawa ka ng hindi maganda. Okay?" Paalala pa ni Joana. Nakikinig lang si Matt sa mga sinabi ni Joana.
"Oo. I will." Sinuot ni George ang kaniyang helmet at sinimulang paandarin ang kaniyang motor.
"You take care George." Pahabol naman ni Matt. Napatingin sa kaniya si Joana.
Pinagmasdan ng mag-asawa ang papalayong si George.
"What was that about?" tanong ni Matt.
"Alin?"
"Iyong mga sinabi mo sa kaniya?"
"Wala namang masama sa sinabi ko, mauunwaan niya iyon. Tara pumasok na tayo sa loob." Pumasok si Joana sa loob ng bahay. Nagkibit balikat lang si Matt at sumunod sa asawa.
TATLONG araw ang lumipas at hindi parin nabalik si Melissa sa apartment nila George. Sa mga sandaling ito ay patuloy namang nakikiramdam si Joana sa mga kinikilos ni Matt. Pinagtagpi-tagpi niya ang lahat ng mga sitwasyon. Ngayon ay naisip na niyang may ginagawang hindi maganda ang dalawang lalaki. Naisip din niya na baka alam ni Melissa ito kaya iniwanan niya si George ng biglaan.
Noong nasa office si Matt ay hinalungkat ni Joana ang mga gamit na dinala ni Matt sa bakasyon nito. Nakakita siya ng leaf add ng isang Hotel. Agad niyang inalam ang numero ng Hotel at tinawagan iyon.
Tinanong niya kung may nag-stayed doon na dalawang lalaki. Binigay niya ang pangalan ni Matthew at ni George ngunit walang ganoong pangalan sa Hotel. May nasabi ang operator na may dalawang lalaki last month na nagstayed sa Hotel pero hindi iyon nakapangalan sa hinahanap niyang tao. Pero malakas ang kutob niyang si Matt at si George iyon.
Mas lalong lumalim ang hinala niya sa dalawa. Muli ay sinubaybayan niya si Matt sa mga lakad nito.
Sinundan niya ito sa trabaho. Naghintay siyang lumabas ito. Ilang oras siyang naghintay bago lumabas si Matt. Hawak nito ang kaniyang phone at tila may tinatawagan. Sigurado siyang siya George ang kausap nito at ang pupuntahan nito.
Sumakay ng sasakyan si Matt at sinundan pa iyon ni Joana. Hindi naman napapansin ni Matt na sinusundan siya ni Joana. Laking gulat ni Joana noong huminto ang sasakyan ni Matt sa tapat ng apartment nila George. Hindi lumilingon sa paligid si Matt kaya hindi siya napansin. Pagbukas ng pinto ay kitang-kita niya na hinatak si Matt ni George sa loob. Mabilis na tumulong muli ang luha ni Joana. Hindi na niyang hinantay na lumabas si Matt at baka kung ano pa ang magawa niya. Huminga siya ng malalim at pinaandar ang kaniyang sasakyan pabalik sa kanila.
-----
Sa loob ng bahay ni George. Kasalukuyang magkatabi ang dalawa sa kama.
"Anong balita kay Melissa?"
"Wala padin, mabuti nalang at nandito ka, dahil baka kung wala ka... hindi ko na talaga alam ang gagawin ko pa." Sabi ni George.
"Oh paano, kailangan ko ng bumalik ng office?" Sabi ni Matt. Bumangon na ito at agad na nagbihis.
Lumabas ng apartment at sumakay sa kaniyang sasakyan.
LUMIPAS pa ang mga araw at muling bumalik na si George sa kaniyang trabaho. Hindi nalang niya ipinahalata sa kaniyang boss na tila mas lalong lumalala ang kaniyang kinahaharap na problema mula noong bumalik siya mula sa pagbabakasyon.
Umuuwi siya sa kanilang apartment na wala parin ang bakas man lang ni Melissa. Nagsosolo na siyang natutulog sa apartment na iyon. Naisip niyang nag-iisa noon si Melissa sa kwartong ito noong mga panahon na hindi siya umuwi kasama si Matt. At noong mga panahong magkasama sila ni Matt na magbakasyon.
Bigla niyang naisip na kung siya nga na lalaki ay hindi kayang wala si Melissa sa mga gabing ito paano pa kaya si Melissa? Sobrang nagsisisi na siya, paulit-ulit niyang sinasabi sa kaniyang sarili na sana'y bumalik na sa kaniya si Melissa at hindi na niya hahayaang umalis pa ito.
Ang tanging nagibigay dahilan nalang sa kaniya ngayon ay ang presensiya ni Matt na hindi siya hinahayaang malumbay ng husto.
----
Patuloy naman ang ginagawang pakikiramdam ni Joana sa kaniyang asawa. Pero tila patay malisya lamang si Matt sa mga alam ni Joana na ginagawa ng lalaki kasama si George.
Kung hindi lang dahil sa mga anak niya ay baka noong araw mismo na nakita niyang naghalikan ang dalawa ay baka umalis na siya sa bahay na ito. Iniisip lang niya ang mga bata.
Muli ay hating gabi na kung umuwi itong si Matt. Inorasan niya ang pag-uwi nito. Hanggang sa napagdesisyunan na niyang kausapin si George dahil hindi na niya kaya pang tumahimik nalang gayung alam-alam na niyang niloloko siya ng kaniyang asawa. At kung hindi ito matitigil ay baka mauwi sila sa isang hiwalayan.
Nagpaalam siya kay Matt isang gabi na nasa bahay ito na pupunta lang ito sa kaniyang kaibigan. Pinayagan naman siya ni Matt.
----
Nagmadali namang tumakbo si George sa pintuan noong may kumatok dito. Dalawa lang ang nasa isipan niyang pupunta sa kaniya sa ganoong oras ng gabi, si Melissa o si Matt.
Pagkabukas niya ng pinto ay nagulat siya noong si Joana ang kaniyang nakita.
"Ikaw pala, akala ko kung sino na. Tuloy ka." Sabi ni George.
Pinaupo ni George si Joana sa couch na nasa sala. Binigyan niya ito ng maiinom.
"Nabisita ka?" Tanong ni George. Umupo narin siya.
"Napadaan lang talaga ako..." Uminom muna siya ng binigay ni George, "...kamusta na si Melissa?"
"Wala paring balita. Hindi parin siya tumatawag sa akin, hindi ko parin siya matawagan. Namimiss ko na siya." Sabi ni George.
"Namimiss?"
Napatigil si George dahil tila may pagsarkastiko ang pagkakasabi ni Joana.
"Oo naman. Fiancee ko siya kaya namimiss ko siya."
"Talaga lang huh?"
"Ano ba talagang pinunta mo dito Joana?"
"Tigilan mo na si Matt, George. Tigilan mo na ang asawa ko." Nakatingin si Joana sa mga mata ni George, biglang napaiwas si George sa mga tingin na iyon.
".............................." Katahimikan.
"What do you mean na tigilan ko na si Matt?"
"Wag ka ng magmaang-maangan. Alam kong may nangyayari sa inyong dalawa. Hindi ako tanga George. Bilang asawa ni Matt at bilang ina ng mga anak namin nararamdaman ko kong may ginagawang kakaiba ang isa sa meyembro ng pamilya ko." Tuloy-tuloy na pagkakasabi ni Joana.
Hindi na nagawang maglihim pa ni George.
"Alam ba ni Matt na alam mo na ang tungkol sa amin."
"Hindi. Pero kung hindi mo siya titigalan hindi na ako magdadalawang isip na magsalita sa kaniya."
"Hindi ganoon kadali ang sinabi mo Joana."
"Huh?! Anong hindi ganoon kadali ang sinasabi ko! Hindi mo titigilan ang asawa ko kahit na alam ko na merong nangyayari sa inyong dalawa? At ano? ginagawa mong panakip butas ang asawa ko sa pagkawala ni Melissa?"
"Hindi totoo yan!" Medyo napalakas ang boses ni George.
"Ah... Baka naman alam ni Melissa ang tungkol sa inyong dalawa kaya ka niya nagawang iwanan... hindi ba George?"
Hindi na makapagsalita pa si George.
"Simple lang ang gusto kong gawin mo George. Layuan mo na si Matt, maawa ka naman sa amin, may Pamilya siya. At utang na loob George, parehas kayong lalaki. Anong gusto ninyong isipin sa inyo ng mga taong makakakita sa inyo! Hindi ba kayo nandidiri sa mga ginagawa ninyo?"
"Wala kang alam sa nararamdaman naming dalawa kaya wala kang karapatang sabihin iyan."
"Bakit sa nararamdaman ko bilang babae at bilang asawa ni Matt, may nalalaman ka ba? Wala rin. Kaya tigilan mo ako sa pagtatanggol sa sarili mong nararamdaman para sa asawa ko! Uulitin ko George, sana bago mo pinasok ang ganitong uri ng sitwasyon sana inisip mo na may Pamilya si Matt. Noong una, hindi ko kayo napapansin, iniisip ko na masyado lang kayong malapit sa isa't isa. Iyon pala, sa sobrang lapit ninyo ay may ginagawa na pala kayong hindi maganda!"
Hindi na alam pa ni George ang kaniyang sasabihin.
"Mahal ko si Matt, Joana." Mahinang pagkakasabi ni George.
"No George. Please naman oh, isantabi mo na iyang pagmamahal mo sa asawa ko at ibuhos mo na lang ang pagmamahal mong iyan kay Melissa. Siguro kaya ka iniwan ni Melissa dahil ganitong-ganito ang nararamdaman niya, kagaya ng nararamdaman ko ngayon."
"Don't tell me---- that."
"Eh anong gusto mong sabihin ko? Iniwan ka ni Melissa ng walang dahilan. George, para nalang sa mga anak namin. Layuan mo na si Matt."
"Hindi ko kaya----"
"Bakit?! Magpakalalaki ka nga! Sabagay wala ka pa kasing anak kaya hindi mo ako nauunawaan eh. Pagnagkaroon ka ng anak, mauunawaan mo ang nararamdaman ko bilang ina ng mga anak namin ni Matt.. ako na ang nagmamakaawa sa iyo George na tigilan mo na si Matt."
"Please, just go Joana."
"Wow! Wala rin palang kwenta ang pakikipag-usap ko sa iyo."
"Just leave."
"Okay... tama lang siguro na iwan ka talaga ni Melissa! At ito ang tatandaan mo George. Kapag hindi mo tinigilan si Matt. At pauulit-ulitin kong sasabihin sa iyon na kapag hindi mo tinigilan si Matt. Kami mismo ng mga anak niya ang lalayo sa kaniya."
"No-- hindi mo gagawin yan."
"I will. Hindi ko ipagsisiksikan ang pamilya ko sa inyong dalawa! Hindi ako kagaya ng ibang babae na ipaglalaban ko ang pamilya ko sa taong mang-aagaw, dahil kung talagang mahal ako ng asawa ko hindi siya magpapaagaw kung kani-kanino. Simple lang ang sasabihin ko sa mga taong magtatanong sa akin kung bakit ko lalayuan ang asawa ko, sasabihin ko lang naman na may kinasama siyang lalaki. Sino ang mas lalabas na kahiya-hiya sa aming dalawa. Ayaw ko mang gawin iyon dahil mahal na mahal ko si Matt, pero para sa kapakanan ng mga anak ko. Gagawin ko iyon. Ayaw kong may kaagaw sa pagmamahal ng asawa ko, kaya kong hindi mo siya titigilan, ako ang lalayo. At sana ay maging masaya kayong dalawa!" mahabang pagkakasabi ni Joana.
"Joana---" Hinabol pa ni George si Joana ngunit mabilis itong lumabas at sumakay ng kaniyang sasakyan.
"Fuck! Fuck! Fuck!" Bulaslas ni George.
Ngayon ay lalong litong-lito na talaga siya, hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Hindi niya alam kung nasaan si Melissa, ngayon ay nalaman na ni Joana ang tungkol sa kanila ni Matt. At ngayon ay kinakailangan na niyang magdesisyon para sa ikabubuti ng lahat. Ayaw naman niyang siya ang maging dahilan upang malayo ang pamilya ni Matt sa kaniya. Alam niyang hindi magiging madali sa kaniya ang lahat, pero kailangan niyang gawin kung ano ang nararapat. Alam niyang hindi niya napaghandaan ang ganitong uri ng sitwasyon kaya sobrang pagkalito at pagkabagabag ang kaniyang nasa isipan.
Labag man sa kaniyang kalooban, mamarapatin niyang tigilan na si Matt.
Sinimulang niyang hindi tawagan man lang si Matt. Pero may mga pagkakataon na nasasagot parin niya ang tawag ni Matt.
"Hello, George oh, kamusta ka na? Bakit hindi mo man lang sinasagot mga tawag ko? Nagaalala na ako sa iyo." Sabi ni Matt mula sa kabilang linya.
"Pasensya na dude, busy lang. Sige tawag nalang ako mamaya." Pero habang sinasabi niya iyon ay namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. Marinig lang niya ang boses ng lalaki ay nais na niya itong makita. Hindi niya kayang balewalain ito, pero sa tuwing naiisip niya ang sinabi ni Joana na iiwanan nila si Matt ay nananaig sa kaniya ang pagpaparaya.
Pinatay niya ang phone. At nagsimulang tumulo ang kaniyang luha.
"Nahihirapan na ako...." Sabi ni George sa kaniyang sarili kasabay ng patuloy na pagluha sa kaniyang mga mata.
Gabi-gabi siyang nag-iinom upang mawala pansamantala ang kaniyang mga iniisip. Tanging ang alak lang ang kaniyang naging sandalan sa mga gabing nalulungkot siya. At sa tuwing nadidinig niyang kumakatok si Matt sa kaniyang pintuan ay hindi niya iyon pinagbubuksan. Lalapit lang siya sa pintuan.
"George? Nandiyan kaba sa loob? Kausapin mo naman ako oh? May problema ba tayo?" Sa tuwing madidinig niya ang boses ni Matt ay agad niyang naalala ang lalaki. Wala siyang magawa, ayaw na niya itong makita. Ayaw na niyang makausap ito. kahit mahirap para sa kaniya ay kailangan niya itong gawin. Bubuksan niya ang pintuan sa tuwing madidinig niya na papalayo na ang sasakyan ni Matt. Muli niya iyong isasarado at mappaupo at muling iiyak.
Naging mahina siya sa mga gabing nalulungkot siya.
Tumungo siya sa loob ng kusina at kumuha ng kutsilyo. Wala na siyang ibang maisip pa. Nais na niyang matapos ang kaniyang buhay. Inisip niyang wala ng dahilan para mabuhay pa. Pagod na pagod na siya kakaisip, sa mga sitwasyong hindi na niya alam kung paano pa susulosyunan.
Itinapat niya ang talim ng kutsilyo sa kaniyang pulso. Habang umiiyak. Akmang ihihiwa na niya ito ng sa kaniyang pagpikit ay nakita niya ang nakangiting labi ni Melissa. Kitang-kita niya sa kaniyang isipan ang gabi noong nagproposed siya ditong magpakasal. Pumasok din sa kaniyang isipan ang iba pang masasayang sandali na kasama niya ang kaniyang kasintahan. Ang mga sandaling hindi pa niya noon nakikilala si Matt.
Mga sandaling sinabi niya sa sarili niya na wala na siyang mahihiling pa dahil nasa kaniya na ang babaeng mamahalin niya ng husto.
Inihagis niya ang kutsilyo sa pinto. At isinubsob niya ang kaniyang sarili sa kaniyang kama.
"Pinaparusahan na ba ako? Pero.... siguro, i deserve such punishment. Pero hindi ako dapat sumuko nalang din ng basta basta... Alam kong malalampasin ko din ang lahat ng ito. Kailangan ko lang maging matatag." Bulong niya sa kaniyang sarili.
Itinatak niya sa kaniyang sarili na simula sa mga sandaling iyon, isasarado na niya ang kaniyang nararamdaman para kay Matt. Susubukan niya. Para din naman iyon kay Matt. Para din iyon sa ikabubuti ng lahat.
Napansin din niyang ilang araw na din siyang hindi tinatawagan o tinetext ni Matt. Upang makasigurado na okay lang si Matt ay palihim siyang sumilip sa bahay ni Matt at nakita niyang masaya ito kasama ang pamilya niya. Agad siyang umalis noong napansin niyang nakatingin sa kaniya si Joana.
Ayaw na niyang pagsiksikan pa ang kaniyang sarili sa kay Matt. Meron siyang problema na dapat kaharapin at iyon ay ang pag-asang bumalik sa kaniya si Melissa. Hindi man maipagkakaila na may mga sandali paring naalala niya ang lalaking nakasama niya. Pero sa tuwing sumasagi iyon sa isipan niya ay binabaling niya ang kaniyang sarili sa trabaho upang mawala ang iniisip niyang iyon.
Minsan sa isang Mall ay nakita ni George si Matt na pasalubong sa kaniyang kinalalakaran. Hindi niya magawang matitigan man lang ito. Hanggang sa magkalapit silang dalawa. Nagkasalubong sila na tila hindi nila kilala ang isa't isa. Hindi nila pinansin ang bawat isa. Nakadama ng sobrang sakit sa puso si George ng mga sandaling iyon, nais niyang umiyak ngunit pingilan niya iyon.
---
Sa kabila ng hindi pagpansin ni George kay Matt at tila naman tinusok ng isang libong karayom ang puso ni Matt. Mas masakit iyon kesa sa aksidente na nangyari sa kaniya noon. Doon lang niya napagtanto na mas masakit pala ang emotionally hurt kesa sa physically injuries. Hindi naiwasang maluha ni Matt ng mga sandaling iyon. Agad niyang pinunasan iyon.
---
Habang kapwa magkahiwalay ang landas ng dalawang lalaki ay hindi naman maiwasan na patuloy silang masaktan sa ginawa niyang pagiwas sa isa't isa.
---
Nakita ni Matt ang sasakyan ni George na nakaparada hindi kalayuan sa kaniyang pinagpaparadahan. Hindi muna siya umalis. Nais niyang makausap ito. Nais niyang malaman kung bakit siya iniiwasa nito. Hindi na niya kaya pang matagalan pa ang ganoong uri ng sitwasyon.
Ilang sandali pa ay nakita na niyang papalapit si George sa sasakyan nito. Kaya agad siyang lumabas sa kaniyang sasakyan.
"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ni Matt.
Napatingin sa paligid si George. Nais niya itong yakapin, halikan pero kailangan niyang pigilan ang sarili.
"I have to go, Dude."
"No--" Pinigilan ni Matt ang pagsara ng pinto.
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa."
"Bakit ka nagkakaganyan! Diba nangako tayo sa isa't isa na tutulungan natin ang bawat isa kung magkakaroon ng problema? Eh bakit parang sinusolo mo ang problema! Ano bang nangyayari sa iyo?"
"Pasensya na, nagmamadali ako, kailangan ko ng bumalik kaagad sa site."
"BULLSHIT George!!!" Malakas na pagkakasabi ni Matt. "...sabihin mo lang sa akin kung ayaw mo na at titigilan ko na ito." Sabi pa ni Matt.
"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo Dude. Nahihirapan din ako sa pagiwas ko sa iyo, pero ito lang ang alam kung paraan para maging okay ang lahat. Hindi na tama ang ginagawa natin." mahinahong sabi ni George.
"Bakit? it is because of Melissa? Sinisisi mo ba ako kaya nawala sa iyo si Melissa?! Iyon ba ang dahilan..."
"No-- Dude. Ihave to go."
"No!! Sabihin mo sa akin ang dahilan."
"................................"
"Ano bakit hindi ka makapagsalita?"
"Iiwanan ka nila Joana kapag pinagpatuloy pa natin ito!" Malakas na pagkakasabi ni George.
"What???"
"Oo Dude. Alam na ni Joana ang about sa atin, kinausap na niya ako. At kung hindi kita titigilan... mawawala sa iyo ang pamilya mo."
"......................" katahimikan. Biglang lumakas ang hangin.
"Sana maunawaan mo ako, para rin ito sa iyo. I know it hurts but... i have no choice but to stay away from you. I have to go Dude."
Hindi na nakapagsalita pa si Matt. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni George na alam na ni Joana ang about sa kanilang dalawa. Mabilis na nakalayo si George. At naiwang nakatayo si Matt sa parking lot na tulala at tila wala sa sarili.
----
Muli ay mabilis na tumulo ang mga luha ni George habang pabalik siya sa Site.
----
Walang imik si Matt na bumalik sa kaniyang sasakyan. Kinalma muna niya nag kaniyang sarili upang makapagmaneho ng maayos.
----
"Hindi ko gustong gawin ito Dude. But i have to." Bulong ni George sa kaniyang sarili.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment