Tuesday, January 29, 2013
Unexpected Love Affair - Season 1 - Pt. 12
"Pt.12"
Tapos tae, bigla pang nagpatugtog ang kapit bahay namin ng It will rain by bruno Mars.
If you ever leave me baby,
Leave some morphine at my door
‘Cause it would take a whole lot of medication
To realize what we used to have,
We don’t have it anymore.
There’s no religion that could save me
No matter how long my knees are on the floor
So keep in mind all the sacrifices I’m makin’
Will keep you by my side
Will keep you from walkin’ out the door.
Cause there’ll be no sunlight
If I lose you, baby
There’ll be no clear skies
If I lose you, baby
Just like the clouds
My eyes will do the same, if you walk away
Everyday it will rain, rain, rain...
---Taena lalo lang akong naiiyak sa kanta, pero dinama ko angbawat linya ng kanta. Lalo akong naging emotero. Urgh!!!
Naiinis ako kay Franc! Bakit niya ako ginaganito, ayaw ko siyang mawala sa akin, pero it hurts na eh...
pero, gusto ko katabi ko lang siya lagi.
gusto ko lang naman na yakapin niya ako eh, at sbihin niyang, tahan na ako dahil sa tabi ko lang siya :(
Patuloy ang tugtog..
Don’t just say, goodbye
Don’t just say, goodbye
I’ll pick up these broken pieces ’til I’m bleeding
If that’ll make it right
Cause there’ll be no sunlight
If I lose you, baby
There’ll be no clear skies
If I lose you, baby
Just like the clouds
My eyes will do the same if you walk away
Everyday it will rain, rain, rain...
Naabutan ako ni Rico, kasama ang bago niyang Jowa na Doctor ata iyon. Nakaupo ako sa couch, nakapatong paa ko sa couch at ipit ipit ng kamay ko. Naiiyak ako, arte ko kasi, eh paano naman kasi si Franc eh!
"Oy anong drama mo? nag-away nanaman ba kayo ni Franc? o inaway ka nanaman nung mahadera niyang asawa?" Sabi ni Rico, lapit kaagad sa akin at niyakap ako. Wala akong paki kung may kasama si Rico, naiiyak talaga ako.
"wag ka mag-alala akong bahala sa Shaun na iyan kapag nakita ko iyan papatulan ko na talaga iyong gago na yon."
"Hindi--- si Franc kasi eh... iniwan niya ako.." Sabi ko, tanga ko din eh. pinaalis alis ko tapos sasabihin ko pinaalis ko, drama ko kasi eh. pero baka kasi hindi na niya ako talaga balikan eh.
ang sakit sakit.
Pumasok na kao sa kwarto, sabi ko kay frend rico huwag muna akong iwan hanggat di pa ako nakakatulog.
Ganun nga ang ginawa ng frend ko. Hindi ko nagawang makilala iyong bago niyang jowa, as if naman kasi... next week lang bago na ulit syota niya.
KINABUKASAN.
pumasok pa din ako, hindi na talaga ko kinita ni Franc.
wla na din si Shaun.
ito na ata ang tinatawag na moving on stage, pero nasasaktan parin ako.
Tulala lang ako sa shop.
"Oy fren, napansin ko lagi kang tulala." sabi ni Lhan.
"Dami ko kasi iniisip eh..." Sabi ko. nasa cashier ako noon habang inaayos naman niyaiyong ibang bulaklak na display.
"May kinalaman ba iyan don sa laging sumasalubong sa iyo tuwing umaga diyan sa labas? di ko ata siya nakita ngayon." Sabi ni lhan. Napapansin niya pala yong halimaw na yun.
naalala ko tuloy si Franc..
"ah...wala naman, naku wag mo na nga ako intindihin fren,,, unahin mu ang mga bulaklak diyan.." sabi ko. tulala ulit.....
Alas diyes na ako noong lumabas. Kinuha ko iyong phone ko, hindi ko napansin kung may texts or missed calls basta nilagay ko nalang sa likod bulsa ko.
ako nagsara ng shop.
noong naglalakad ako sa eskenita madilim may nakita akong pinalilibutan ng mga kalalakihan. ay tae!! si Franc yun ah..
takbo ako!!!
"HOY! HOY! HOY! ano yan???" sabi ko.
"Kanina pa kita inaantay eh.. ayaw akong papasukin ni Rico sa bahay nyo eh, tinatawagan kita ayaw mong sagutin phone mo..." <--nakainom si Franc... tapos may pasa siya sa mukha, napatingin ako doon sa isang lalaki may bangas din sa mukha, malamang nagsuntukan sila.
"TANG NA! UPAKAN NA IYANG DALAWANG YAN!" sigaw nung panget sa likod, mukha siyang troll. at taena! ano upakan kaming dalawa? kasali ako? kadarating ko lang uh??? taena naman oh, hanap damay tong Franc nato, grade 4 pa ako noong huling nakipagrambulan ako eh, bahala na!
it's a matter of life and death! it's us agaisnt the world.
"Dito ka lang sa likod ko Yam, akong bahala sa mga to." Bulong niya sa akin, tapos taena... nakita ko naglabasan ng armas ang mga lalaking nasa harapan namin, patay na kami nito.
"ano ba kasing ginawa mo at nagalit sa iyo yang mga salot ng lipunan na yan..."
"sila kasi iyong nakaharap ko noon, sila iyong nagsabit sa akin, gumanti lang ako, akala ko ko tatlo lang sila, dami na pala nila." sabi niya, nasa likod niya ako.. naglalapitan na ang mga monster...
sabi ko, "papa jesus ikaw na pong bahala sa amin ni Franc.. mahal na mahal ko tong lalaki na to kahit na lagi niya akong sinasaktan, kaya sana patawarin niyo na siya sa mga kasalanan niya sa akin at tanggapin mo kami sa langit." dasal ko iyon
"ano binubulong mo??" tanong ni Franc..
"tae nagdadasal ako...hindi natin kakayanin mga yan no, patay na tayo... pero, tandaan mo mahal na mahal kita." bulong ko, hindi na kami makatakbo pa kasi napalibutan na kami ng mga syokoy at halimaw.. tapos napangiti siya sa akin.
"mahal na mahal din naman kita eh... bale, ipagtatangol kita.."
tae! eksena pa kaming dalawa mamatay na kami.
"PATAY KAYOOO SAMING DALAWA!!!!!" <---sigaw nung pinakapanget sa kanila.. may dalang pamalo.
at... BOOOGSHHH! sapol sa mukha iyong unang sumugod, nasuntok ni Franc, talsik bulagta,,, walang kwenta, one down.
kinuha ko iyong pamalo,
labanan na to!!!! whoooo!!!
sumugod na silang lahat parang plants vs zombies... final wave...
BOGS! BAG! TAGAG! POK! PLAGAGS!! TOGOSSH!! BLAGAG!
at kung ano ano pang tunog...
ang ending???
ayon nakasabet kami ni Franc dalawa, nakatiwarik kaming dalawa. buti nga iyon lang ginawa sa amin eh.
"TAENA NIYONG DALAWA. KIKILALANIN NYO MGA BABANGGAIN NYO UH!" sigaw noong pinakamaster nila. Nagalisan na siya. tapos may isa pa na nambato ng bote.. inikot ni franc ang sarili niya kasi sakin tatama yong bote, ayon sa kanya tumama. naawa tuloy ako. Umalis na ang mga panget.
sakit ng mga suntok na napala ko, sakit ng katawan ko, tapos nakatiwarik pa kami, no sign of hope, mamatay kaming nakatiwarik, sa pagkakaalam ko panaman ako lang talaga nadaan sa eskinita na ito bukod sa mga adik na walang kwenta.
Maghihintay kami ng tulong. tapos napansin ko na may sugat sa ulo si Franc, at natulo ang dugo niya, takte, kung aabot kami ng umaga baka mawalan na ng malay si Franc at maubusan niya ng dugo..
"Oy franc? wag ka matutulog ha?? stay with me... sisigaw ako ng tulong.."
"TULOOOOOONGGG!!!!!" sigaw ko! tae, wala ng pag-asa.
"Walang dadaan dito, nung time na nakita mo ako dito dati, nakailang oras na akong kasigaw sigaw, hangang sa dumating ka...maghintay nalang tayo mag-umaga." sabi niya.
":tae, mamatay ka kapag di napalatan yan sugat mo, tae ka kasi eh, sinalag mo pa ang bote eh.." pagaalala ko,
"edi sa iyo naman tumama.." tapos parang nanghihina na siya...
"oy.. stay with me ha???" sabi ko.
"eh.. ayaw mo narin naman sa akin diba? pinaalis mo nga ako eh.. okay lang na mamatay na ako, mamatay ako na katabi kita..."
taena talagang franc to oh!!!
"oy, nagdadrama lang naman kasi ako nun eh, diba sabi ko sa iyo mahal na mahal kita..."
tae, nakakapagusap pa kami kahit nakabaliktad kami, sakit na sa binti, pagpumigti iyong lubid basag bungo namin sa baba, una talaga ulo namin.
"talaga?? kiss mo nga ako?" sabi niya..
paano ko siya makikiss eh maglatalikod kami, may saltek talaga..
"pero yam, mahal na mahal kita,.. pumunta ako noon kay Shaun kaya ako umalis, sabi ko na tantanan ka na niya. tinatawagan kita kanina, hindi ako nakadaan sa shop nyo kanina, kaya dumiretso ako sa bahay nyo ni Rico, kasu ayaw akong papasukin... yam... wag kana magalit sa akin oh? kaw lang mahal ko." tapos parang naluha ako sa sinabi niya... eh.. mahal ko din naman kasi talaga siya.
"eh bakit mo iniwan si Dimitri?" tanong ko..
"Eh.. pinapalit niya ako sa pera eh, noong nalaman kong binayaran siya ni Shaun para maghiwalay kami, nainis naman ako noon kay shaun kasi lahat ginagawa niya makabalik lang ako sa kaniya pero noon time na mahal na mahal ko si Shaun siya naman tong biglang nanlamig sa akin, na-fall-out of love na ako sa kaniya noong dumating ka sa buhay ko.." sabi niya.
KINILIG AKO, taena!!! buti nalang pala di ko tinanggap ang pera ni Shaun.
Naalala ko na nasa bulsa ko ang phone ko.
"franc.. makikilos mo ba iyong kamay mo? kunin mo iyong phone sa bulsa ko. sa likod.. tatawagan natin si Rico..." sabi ko, pero naisip ko baka tulog na si rico, patay na kaming dalawa.
Inabot ni Franc iyong phone at nakuha niya.. hindi ko makilos ang kamay ko. kaya sa kaniya ko pinakontak si Rico.
Hindi namin alam kung nagriring, basta komokonek... takte, tulog na nga ata,
"Ulitin mo pagkontak, magigising din iyon, hindi naman nagsisilent ng phone yun eh...." sabi ko kay franc.. tapos nanghihina na siFranc, dami na dugo nauubos sa kaniya eh.
"sagutin mo na rico...." sabi ko...
at....
"ayan sumagot na..." sabi ni Franc...
"I-loud spreaker mo.." sabi ko..
"Oy hello?? ano ba? nangbubulabog ka ah!!" sabi ni rico sa kabilang linya...
"FRENN!!! TULINGAN MO KAMI NI FRANC!!!" sigaw ko..
"huh? ano? bakit ano nangyari sa inyo? nasaan kayo???" natataranta siya...
"DITO KAMI SA MADILIM ST. sa dinadaan ko lagi. nakasabit kami dito... dali punta ka dito, nanghihina na si Franc..." sabi ko..
"Huh? anoo? putol putol ang linya... di kita marinig..."
tapos nabitawan ni Franc ang phone... bagsak sa baba...
"oy franc?? okay kalang...? oy oy!!" sabi ko, hindi namakapagsalita si franc... syeeettt!
tapos nadidinig ko nagsasalita padin si Rico sa linya.. di nasira ang phone.. sumigaw ako..
"NANDITO KAMI SA MADILIM STREET!!! PUNTA KANA DITOO DALIIII!!!!" siguro nadinig na niya,,,
"o sige, nandyan na ako.." dinig ko iyon kasi tahimik sa lugar kaya, kahit mahinang ingay ng daga dinig na dinig.
"Franc padating na si Rico.. oy, gising ka naman oh..."
pinakiramdaman ko siya, nahinga pa naman pero nawalan na ta siya ng malay, nakabliktad kasi kami eh..
URGHHH!!!! BILISAN MO RICO!!! :(
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment