Sunday, January 27, 2013
IT'S JUST TOO LATE DUDE. BUT I HAD A GREAT - CHAPTER 7
"CHAPTER 7"
MAAGANG gumising si Matt. Hindi parin mawala sa kaniyang isipan ang tagpo nilang dalawa ni George sa apartment ng lalaki. Hanggang sa kaniyang pagligo at si George parin ang laman ng kaniyang isipan. Habang bumubuhos sa kaniyang katawan ang malamig na tubig na nanggagaling sa shower ay ang itsura ni George ang panay gumuguhit sa kaniyang isipan sa tuwing ipipikit niya ang kaniyang mga mata.
Tulala parin siyang lumabas ng bathroom.
"Pa, may problema ka ba?" Tanong ni Joana sa kaniya.
"Huh? Wala naman." Sagot ni Matt. Kinuha niya ang kaniyang susuotin sa araw na iyon na inihanda ni Joana.
"Napansin ko kasi hanggang sa pag-uwi mo kagabi tulala ka na, hindi na nga kita nakausap eh. Sigurado ang walang problema?" Tanong muli ni Joana.
Isinuot ni Matt ang kaniyang inner shirt. Pinatong niya ang kaniyang White polo shirt. "..Pagod lang ako Ma." Mahina niyang sagot. Inalis niya ang kaniyang tapis. Inabot ni Joana ang pantalon ni Matt. Isinuot niya iyon. Itinucked-in niya ang kaniyang polo. Inilagay niya ang kaniyang leather black belt. Ipinatong niya ang kaniyang coat. Lumapit sa kaniya si Joana at tinulungan siyang ilagay ang kaniyang tie.
"Sabi ko naman sa iyo. Mag-break ma muna. Para marefreshed ang iyong isipan Pa." Nakatingala si Matt habang inaayos ni Joana ang tie.
Hinawakan ni Matt ang mga palad ni Joana, "I'm okay Ma. Don't worry about me. Magiging okay din ako. Okay?" Hinalikan niya ang mga palad ng asawa. "I love you more than you'll ever know." dagdag pa niya sa asawa.
"I love you too." Sagot naman ni Joana. Hinalikan niya sa labi si Joana. Sa noo. At niyakap niya ito ng mahigpit. Huminga siya ng malalim.
PAGKATAPOS ng sandaling breakfast ay lumabas na si Matt. Maaga siyang lalabas kaya maihahatid niya si Jessica sa pinapasukan nito. Hindi na niya nagawang mahintay pa si Jasmine dahil naliligo palang ito. 8 AM pa kasi ang pasok nito. Si Jessica naman ay 7 AM sa isang nursery school na may 4 na kilometro lang ang layo mula sa kanilang bahay.
"Ma, alis na kami ni Jessica." Paalam niya sa asawa.
"Iingat kayo." Sabi ni Joana.
"Bye, Ma. See you later." Sabi naman ni Jess. Humalik si Joana sa pisngi ng bata. At kay Matt.
Umalis na kaagad sila Matt. At nakarating kaagad sila sa school ni Jessica.
"Oh baby, kiss Papa first before going to school." Sabi niya sa bata. Humalik sa pisngi niya si Jessica.
"I love you Pa." Sabi ng bata.
"I love you too baby. Take care of yourself. Wait for your Mama, she'll be picking you up later, okay?" Paalala niya sa kaniyang anak. Hinatid niya sa gate ng school ang bata. Pinagmasdan muna niya ito hanggang sa makapasok ito sa room nito bago siya bumalik sa kaniyang sasakyan.
Tumingin siya sa kaniyang relo. 6:45 AM.
Naalala niyang nagtext sa kaniya si George kaya kahit na maaga pa ay dumiretso na siya sa Dormian's Park. Ipinarked niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng Mizzari Hotel. Dumiretso siya sa loob ng Park. Patungo sa kanilang tagpuan.
Mula sa kaniyang kinalalakaran ay natatanaw na niya si George na naghihintay doon. Hindi niya inaasahang mas maaga pa ito sa kaniya.
-------
Napatingin si George sa lalaking papalapit sa kaniya. Maaga siyang nagpaalam sa kaniyang kasintahan kaya maaga siyang nakarating sa lugar ng kanilang tagpuan.
-------
Pagkalapit ni Matt ay umupo siya sa kabilang dulo ng upuang kinauupuan ni George.
-------
Tinignan ni George si Matt ng umupo siya sa kabilang dulo. Tumingin din sa kaniya ito.
"Kamusta ka?" Tanong ni Matt kay George.
"Okay lang. Ikaw?" Tanong naman ni George. Tila matagal silang hindi nagkita at tila nagpapakiramdaman silang dalawa.
"Actually, i am not okay. I can't stop myself from thinking of you." Sabi ni Matt. Biglang umihip ang isang malamig na hangin sa kanilang paligid, dinala nito ang mga tulong dahon na nakakalat sa daan. Damang-dama nila ang lamig na hatid noon kahit pa makakapal ang kapwa nila kasuotan.
Hindi nila inalis ang kanilang mga mata sa isa't isa.
"Even I can't stop myself--- " Pinutol niya ang kaniyang pagsasalita, "....naguguilty na ako sa ginagawa nating ito Matt." Iniyuko niya ang kaniyang ulo.
Biglang nakadama ng pighati si Matt sa narinig mula kay George.
"I love my fiancee more than to myself. Hindi ko lubos maisip na magsisinungaling ako sa kaniya sa tuwing nagtatanong siya sa mga bagay na ginagawa ko sa tuwing hindi ko siya kasama. She's my life Dude. And I can't live without her." Isinandal niya ang kaniyang sarili sa bench na kinauupuan niya.
Biglang may tumulong luha sa mga mata ni Matt. Agad naman niya iyong pinunasan.
"I just wished na sana hindi nalang kita nakilala George. Binago mo ang takbo ng pamumuhay ko, tapos bigla mong sasabihin sa akin ang mga yan. Napaka-unfair mo. I am dealing with this fucked up life with you kahit na alam kong maapektuhan nito ang relationship ko sa family ko. Samantalang ikaw na nagpasimula nito, sinasabi sa akin iyan na parang gusto mo nang tapusin itong sinimulan mo."
"Sinimulan natin. Atsaka, ayaw kong masira ang relationship mo sa family mo. Sa fiancee ko. Ayaw kong malaman pa nila ang ginagawa nating ito."
"Hindi kailanman masisira nito ang relationship ko sa pamilya ko. I know on how to handle this relationship---"
"Relationship???" Pinutol ni George ang sinasabi ni Matt. "...wala tayong relasyon Dude. Nagkasundo tayong dalawa."
Napalunok si Matt. "You're so unfair, you really are. Sana noong time na gusto kong tigilan ito, sana hinayaan mo nalang ako. Sana hindi na natin ito pinatagal pa ito ng ganito. Alam mobang ikaw ang lagi kong iniisip? ikaw ang laging laman nito oh!" Itinuro nito ang kaniyang isipan. "at sa tuwing kasama kita. Ikaw ang nagbibigay ng dahilan para tumibok ito." Itinuto naman niya ang kaniyang puso. "ikaw ang nagpapasaya sa akin kahit na alam kong walang kahahantungan ang pagsasama nating ito."
"Don't say those! Tandaan mo may pamilya ka. Huwag na huwag mong sasabihin sa akin ang mga bagay na iyan!" Pagalit na pagkakasabi ni George.
"Bakit? Ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito sa atin? Sabihin mo nga sa akin. Oo George. May part dito sa puso at isipan ko para sa pamilya ko, lalo na pag sila ang kasama ko. At ikaw, binigyan mo ng dahilan para bigyan kita ng kapirasong parte sa puso at isipan ko, hanggang sa naglaon ay mas lumalim iyon. Kaya sa tuwing nakakasama kita, pansamantala kong nakakalimutan ang pamilya ko."
"Damn it, dude! Stop it!" Biglang napatayo si George sa mga sinasabi ni Matt. "..do you hear yourself talking?" Dagdag pa niya.
"Iyan ang hirap sa iyo eh. Ikaw lang naman ata ang hindi nakakarinig sa mga sinasabi ko eh. Unawain mo naman ako."
"I can't... I told you i want you to be with me... pero hanggang doon lang iyon!"
"Hindi ako naniniwala sa iyo George, dahil ganyan din ang mga sinasabi ko sa sarili noong mga una nating pagsasama. Sinabi ko sa sarili ko na, gusto lang kitang makasama, iyon lang iyon. Pero hindi eh. The more i thought of it, the more i gave myself reason to love you."
"What????" Pabiglang tanong ni George.
"I am in love with you George. Hindi mo ba nararamdaman iyon?"
"Don't you dare say it again."
"I love you! And i will do whatever it takes makasama lang kita. George, i need you."
Biglang binigyan ng malakas na sapak ni George si Matt. Tila nagdislocate ang Jaw ni Matt. Hiwakan ni Matt ang panga niya at pinunasan niya ang dugo sa labi niya.
"Wake up Dude! You're not saying those words. Okay? Act Professional!" Galit na pagkakasabi ni George.
"Ikaw lang sa ating dalawa ang hindi pa gumigising. Don't deny to yourself na may nararamdaman ka rin para sa akin, dahil nararamdaman ko iyon sa tuwing magkasama tayong dalawa." Mahinahong pagkakasabi ni Matt.
"Then let's stop this!"
"You don't mean it right?"
"I just said it. Goodbye Dude." Tumalikod na siya. At naglakad papalayo sa kinauupuan ni Matt.
"George, bumalik ka dito! Don't you leave me here, please."
Hindi pinansin iyon ni George. Namasa ang kaniyang mga mata at bago pa tumulo iyon at maging isang ganap na luha ay agad niyang pinunasan iyon.
Naiwan si Matt na nakaupo sa bench. Hindi na niya maiwasan pang umiyak dahil pakiramdam niya ay hindi magawang ipaglaban ni George ang kanilang sinimulan. Hindi niya matanggap sa sarili niya na siya nga lang ba talaga ang tunay na nagmamahal para sa kanilang dalawa. Isinandal niya ang kaniyang likod sa bench habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha niya sa kaniyang mga mata. Malayo na si George at wala na talagang balak pang balikan pa siya.
Muli ay umihip ang isang malakas at malakas na malamig na hangin tangay ang mga tuyong dahon. Pinunasan ni Matt ang kaniyang mga luha.
--------
Sumakay si George sa kanyang sasakyan. Hindi na muna niya pinaandar iyon. Huminga siya ng malalim. Iniisip niya ang mga sinabi sa kaniya ni Matt. Sa sobrang inis niya sa kaniyang nararamdaman at hinampas-hamapas niya ang manubela ng kaniyang sasakyan. At napasigaw siya ng sobrang lakas!
"URRRGGGGGGGGGH!!!!"
Huminga siya ng malalim. Pinunasan niyang muli ang namamasa niyang mata.
--------
Kasalukuyang nakaupo parin si Matt sa bench. Nakasandal ito at tulalang nakatingin sa kulay asul na kalangitan habang tumatawid dito ang malalaking puting ulap.
---------
Pinaandar ni George ang kaniyang sasakyan. Malayo ang kaniyang tingin at wala sa kalsada. Parang nagmamaneho siya sa isang lugar na siya lang ang nandoon at wala ng iba pa.
---------
Tumayo si Matt sa pagkaka-upo. Blanko ang kaniyang isipan. Sinumulan niyang ihakbang ang kaniyang mga paa papalayo sa kaniyang kinaupuan.
---------
Kasalukuyan naman maganda pa ang daloy ng mga sasakyan sa kalsada, pero hindi iyon alintana ni George.
---------
Narating ni Matt ang kaniyang sasakyan. Binuksan niya iyon. Tulala parin siya. Bakas sa kaniyang mata ang pamamaga ng dahil sa kaniyang iyak, sugat sa labi na binigay ni George noong sapakin siya nito. Pinaandar niya ang kaniyang sasakyan.
---------
Mas bumibilis ang patakbo ng sasakyan ni George. Wala siyang pakialam sa mga sasakyang nasa kalsada din ng mga sandaling iyon.
---------
Ngayon ay nasa highway na din si Matt patungo sa kaniyang pinagtatrabahuan. Pero ang kaniyang diwa ay wala parin sa kaniya. Tulala parin ito habang tinatahak ang highway.
Isang rumaragasang Ten wheeler truck na nawalan ng break ang kasalukuyang bumibilis ang patakbo pasalubong sa kinatatahakan ni George at Matt.
Hindi alintana ng dalawa ang maaring mangyari ng isa sa kanila.
"UMALIS KAYO SA DAAN!!!! ITONG BREAK!" Sigaw ng driver ng truck.
---------
Malakas na pinihit ni George ang kaniyang break noong napansin niya ang sasakyang nasa harapan niya at tila bumalik ang diwa niya noong pabunggo siya sa sasakyang nasa harapan niya.
--------
BEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPP!!!!
Napatingin si Matt sa sasakyang pasalubong sa kaniya. Mabilis ito at tila walang balak huminto. Metro nalang ang layo nito sa sasakyan niya noong pinhit niya manubela paliko.
"Fuccckkkk!!!!" Bulaslas ni Matt.
-------
Nagawa naman maihinto ni George ang kaniyang sasakyan bago tuluyang bumungo sa sasakyang biglang huminto sa harapan niya.
-------
CRRRRRRRRRRRAAAAAAAAAAAAAAAAASHHH!
Tumama ang left bumper ng sasakyan ni Matt sa harapan ng Ten wheeler at sa sobrang lakas ng impact ay pumaikot ito sa ere bago gumulong gulong sa gitna ng kalsada. Nag-iwasan ang mga sasakyan sa nagpagulong-gulong na sasakyan ni Matt. Tumumba naman ang Truck noon ding bumungo ito sa sasakyan ni Matt.
Tumalsik palabas si Matt sa kaniyang sasakyan dahil hindi ito nakasuot ng seatbelt. Duguan at wala na itong malay noong humandusay sa kahabaan ng kalsada.
--------
Bigla namang bumagsak ang base na hawak ni Joana ng mga sandaling iyon at tila nakaramdam siya ng pag-aalala. Nagulat si Jermaine at bigla itong napaiyak.
--------
Nasugatan naman bigla si Melissa ng karayom habang may tinatahi siyang damit. Bigla lumakas ang hangin sa paligid. Nakadama siya ng kaba.
--------
Kasalukuyan namang nakikinig si Jessica at Jasmine sa turo ng bawat guro nila ng mga sandaling iyon. Wala silang kaalam-alam sa nangyari.
--------
Napalingon si George sa gilid ng kalsada at nakita niyang nakatayo doon si Matt. Tumalikod iyon at naglakad papalayo. Napalabas siya sa kaniyang sasakyan dahil sigurado siyang si Matt ang kaniyang nakita. Biglang tumayo ang kaniyang balahibo at nakaramdam ng panlalamig.
"Pre.... may aksidente daw doon sa McGregore Highway. Patay na ata iyon driver ng pulang sports car. Duguan eh, lumabas ng sasakyan niya eh." ---- Rinig na rinig ni George ang sinabi ng lalaki. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Pumasok kaagad siya sa kaniyang sasakyan. Nilakasan niya ang busina ng kaniyang sasakyan para makaiwas sa mga sasakyang nasa harapan niya.
Nagmamadali siyang nag-uturn pabalik sa Highway na dinaan niya. Mula sa malayo ay kitang-kita niya ang mga nagsisiksikang sasakyan sa highway dahil sa aksidente. Kaya upang mas makalapit at ihinto niya ang kaninyang sasakyan sa gilid ng kalsada at bumaba. Tumakbo siya papalapit sa nasabing aksidente at laking gulat niya noong makita niya ang sasakyan ni Matt na wasak na wasak at nakabaliktad sa gitna ng kalsada. Mas nanlumo siya at nanhina noong makita niya ang lalaking nakandusay sa gitna ng kalsada na wala pang naglalakas loob na lapitan ito.
Balisang-balisa siyang nilapitan ito. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Paputol-putol ang inilalabas niyang hininga. Noong makalapit siya dito ay agad siyang lumuhod at kinalong iyon sa kaniyang bisig. Wala na itong malay at tumigil ang pagtibok ng pulso nito. Isang malakas na sigaw ang kaniyang pinakawalan.
"MAAAAAAAAATTTTTTTTTTTTT!!!!!!!!!!!!!!" Mabilis na tumulo ang kaniyang mga luha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment