Sunday, January 27, 2013

IT'S JUST TOO LATE DUDE. BUT I HAD A GREAT - CHAPTER 7.2




"Chapter 7.2"

Dumating ang Med Group sakay ng ambulasiya. Mabilis na nagbabaan ang mga iyon at maasikasong kinuha si Matt mula kay George. Inilagay ang walang malay na katawan ni Matt sa wheelbed at agad itong ipinasok sa loob ng Ambulansiya. Muling bumalik ang pagdaloy ng pulso ni Matt pero nasa kritikal na kondisyon parin ito. Bukod sa mga physical injuries nito sa katawan ay unti-unti na itong nauubusan na dugo at kung hindi ito kaagad malalapatan ng kapalit na dugo at tuluyan ng bumigay ang nanghihinang katawan ni Matt. Sinapakan ng oxygen mask ang mukha ni Matt.

Hindi pa rin makapaniwala si George sa kinahantungan ni Matt. Pinagmamasdan niya ito habang nasa loob sila ng Ambulansiya. Kanina lang ay malakas pa niya itong iniwanan. Pero bigla niya ring inisip na sana ay hindi niya ito iniwanan, tila bigla niyang sinisi ang kaniyang sarili.

"Dude, don't give up." Hakaw ni George ang mga palad ni Matt at patuloy ang kaniyang pag-iyak. Mabilis ang patakbo ng Ambulansiya at nakarating kaagad ito sa pinakamalapit na Hospital.

Ipinasok kaagad si Matt sa ER. Naiwan si George sa lobby ng Emergency dahil hindi na siya maari pang makapasok sa kwartong pinagdalhan kay Matt. Balisa parin si George. May pinapirmahan sa kaniyang autotization letter para sa gagawing surgery procedures kay Matt. Madaming bubog na pumasok sa loob ng katawan nito. Nagpakilala siya bilang nakababatang kapatid nito.

Kinuha niya ang kaniyang phone.

Una niyang tinawagan si Melissa.

--------

Nanghina si Melissa sa nadinig mula sa kaniyang kasintahan. Dahil sa hindi alam ni George ang numero ni Joana ay si Melissa ang pinatawag niya dito.


"Honey, are you still there? I want you to call Joana at sabihin mo na nandito kami sa Hospital. Sabihin mong naaksidente si Matt sa isang Car crushed." Sabi ni George sa kabilang linya pero dinig mula sa kaniyang boses ang panghihina at tensiyon na nararamdaman.

Agad namang ibinaba ni Melissa ang tawag at mabilis na kinontak si Joana upang sabihin ang nangyari sa asawa nito.


---------

Halos hihimatayin si Joana noong narinig niya ang balita mula sa tawag ni Melissa.

"You have to stay strong Joana. Okay, magkita tayo sa Hospital." Pinalalakas ni Melissa ang loob ni Joana, pero kahit siya at tila nanghihina parin.

"O-okay. I'll be there, right away." Sagot ni Joana.

--------

Mabilis na nakarating si Joana Hospital bitbit ang kaniyang maliit na bunso na si Jermaine. Siya din namang dating ni Melissa.

Kitang-kita ni Joana ang duguang kasuotan ni George at alam niyang sa asawa galing ang mga dugong iyon.

"Oh my God. Oh my God." Paulit-ulit na sinasabi ni Joana habang papalapit siya kay George. "What happened George? Where's Matt?" Hindi na mapigilan pa nito ang pag-iyak kaya napaiyan na din si Jermaine kahit hindi pa talaga alam nito ang nangyari. Kinuha agad ni Melissa si Jermaine kay Joana upang buhatin ito.

"Nabunggo ang sasakyan ni Matt ng isang Truck na nawalan ng break. Sa lakas ng impact tumilapon si Matt sa labas ng kaniyang sasakyan." Pinutol niya ang kaniyang sinabi. Nalumo si Joana sa nadinig mula sa sinabi ni George, "...Hinihintay ko parin ang sasabihin ng doctor. Almost 30 minutes na silang nasa loob ng operating room. Wala pa din akong balita hanggang ngayon." dagdag pa ni George na tila pinalalakas lang niya ang kaniyang loob. Lumapit kay Joana si Melissa at kinomfort niya ang babae. Ipinasa ni Melissa kay George ang bata. Napaupo si Joana sa bench na nakalagay sa gilid ng lobby.


ILANG sandali pa ay lumabas na ang doctor mula sa loob ng operating room.

"Okay na ang pasyente, although kasukuyan pa rin siyang nasa state of unconciousness. Naalis na namin ang mga bubog sa kaniyang katawan. Nagkaroon siya ng mga fractures sa iba't ibang bahagi ng katawan. Sprains and lacerations. Meron din siyang head injuries na naging dahilan ng pagkawalan niya ng malay at pansamantalang pagtigil ng flow ng kaniyang pulses." Paliwanag ng doctor. Nabuhayan ng loob sila George sa nadinig mula sa sinabi ng doctor. "...maswerte ang pasyente dahil kahit na malakas ang impact ng bungguan ay nagawa parin niyang masupportahan ang sarili sa loob ng sasakyan, kaya kung sakaling naka-seatbelt siya hindi siya mawawalan ng malay. Sa, ngayon magdasal nalang po tayo sa agarang recovery ng pasyente para narin sa madaling recovery ng pasyente." dagdag pa ng doctor.

Nakahinga ng maluwang si Joana. Si Melissa. At si George na karga-karga si Jermaine.

MAKALIPAS ang ilang oras ay nailipat na si Matt sa isang private room ng Hospital. Siya namang dating ni Jasmine at Jessica kasama ang kanilang maid.

"Sige na George, kami ng bahala muna dito." Sabi ni Joana.

"Okay. Tawagan ninyo nalang ako kung saka-sakaling magkamalay na si Matt." Sabi ni George. Lumapit siya kay Matt na kasalukuyang nakahiga sa kama.

"Bilisan mo ang paggaling Dude... madami pa tayong pagsasamahan." Bulong niya kay Matt.

Nagpaiwan muna si Melissa sa Hospital at sinamahan muna niya ang pamilya ni George. Nagpaalam naman na si George at bumalik sa MrGregore highway upang kunin ang kaniyang sasakyan. Umuwi muna siya sa kanilang apartment upang magpalit ng kaniyang damit. Habang naliligo at inaalis ang dugo na nagkalat sa kaniyang katawan ay biglang tumulo ang kaniyang luha kasabay ng pagragasa ng tubig na nagmumula sa shower sa kaniyang mukha at sa kaniyang katawan.



ILANG Linggo ding walang malay si Matt.

"G-George...." Ito kaagad ang kaniyang bukang-bibig noong sandaling nagkamalay siya. Kasalukuyang si Joana ang nagbabantay sa kaniya.

Nilapitan ni Joana si Matt. "Pa?" Dahan-dahan nitong minulat ang kaniyang mga mata at una niyang nakita si Joana. Hindi naman napigilan ni Joana ang pagtulo ng kaniyang luha noong makitang dumilat ang mata ni Matt.

"Nasaan ako, Ma? Uhhh. Sakit na ulo ko." Sinubukan nitong tumayo ngunit hindi pa kaya ng kaniyang katawan.

"Pa, huwag ka munang kumilos. Nandito ka sa Hospital, naaksidente ka." Paalala ni Joana.

Biglang bumalik sa alaala ni Matt ang mga sandaling nasa loob siya ng sasakyan.

-----

Pagkatama ng kaniyang sasakyan sa harapan ng Truck ay mahigpit ang kaniyang pagkakakapit sa manubela upang hindi siya maalis sa kaniyang kinauupuan. Ipinikit niya ang kaniyang mata noong puama-ere ang kaniyang sasakyan. Ramdam na ramdam niya ang tama sa kaniyang katawan ng mga bagay na nasa loob ng kaniyang sasakyan. Hindi niya inalis ang pagkakahawak niya sa manubela noong mga sandaling nagpa-ikot-ikot ang kaniyang sasakyan sa kalsada. Inipit niya ang kaniyang katawan dahil sa hindi siya nakasuot ng seatbelt. May malay pa siya habang nagpaikot-ikot ang sasakyan niya ngunit noong tumama na sa huling bagsak ito ay napatapon siya sa labas at ginamit niyang pansuporta ang kaniyang mga braso at itinakip niya iyon sa kaniyang mukha hanggang sa bumagsak siya sa kalsada. Pero tumama parin ang kaniyang ulo dahil sa lakas ng pagkakatilapon niya. At doon na siya nawalan ng malay.

Habang nasa loob siya ng sasakyan ay naglalaro parin sa kaniyang isipan si George. At hindi nawala sa isipan niya ang mga katagang: "God Help me, I am not ready to die yet."

-----

"Nasaan si George?" Tanong ni Matt kay Joana.

"Nasa trabaho siya, lagi siyang nandito kapag gabi. Siya ang pumapalit sa akin para bantayan ka. Masyado din siyang nag-alala sa iyo." Sabi ni Joana. Habang iniexamine ng doctor ang vital ni Matt.

"Ganun ba?" Bahagya niyang iginilid ang kaniyang ulo.

".................."

"Ma, I'm sorry if i made you worried." Mahinang pagkakasabi ni Matt.

"Okay lang iyon, ang importante okay ka na. Magpalakas ka para makalabas ka na dito sa Hospital. Okay?" Nakangiting sabi ni Joana.

"Okay. I love you, Ma."

"I love you too."

"Kamusta na nga pala ang mga bata?"

MADAMI silang napag-usapang mag-asawa. Ilang sandali pa ay dumating na mga anak nito. Dumating din si Melissa karga-karga si Jermaine. Masaya ang mga ito noong makitang gising na si Matt.

-----

Nakatanggap naman ng tawag si George mula kay Melissa na okay na si Matt. Gumuhit sa kaniyang labi ang ngiti. Mabilis siya tumayo sa pinagkaka-upuan at tumungo sa kaniyang sasakyang para bisitahin si Matt.


Mabilis ngunit maingat na itinahak ni George ang kahabaan ng Highway patungo sa Hospital. Hindi maalis sa kaniyang labi ang ngiti. Masaya siya dahil muli ay maikita niyang nakadilat si Matt at muli ay maririnig niya itong magsasalita. Hindi na siya makapghintay na masilayan itong muli.

Pinarked niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng Hospital at nagmamadaling lumabas ng kaniyang sasakyan. Patakbo siyang pumasok sa Lobby ng Hospital. Hindi na niya maantay pa na bumukas ang pintuan ng elevator kaya dumaan na siya ng hagdan. Mabilis niyang pinanhik ang bawat hakbang ng handan patungo sa ikalimang palapag ng Hospital kung nasaan si Matt naka-kwarto.

Ngayon ay nasa harap na siya ng pinto ng kwartong kinaruruonan ni Matt. Mula sa labas ay dinig na dinig niya ang mga tawanan mula sa loob. Positibong enerhiya ang nararamdaman niya mula sa labas ng kwarto. Inihanda niya ang kaniyang kamay upang ikatok sa pinto.

Tatlong katok at hinawakan niya ang knob ng pinto at dahan-dahan iyong binukasan.

-------

Napatingin si Matt sa pagbukas ng pinto. Hindi niya maunawaan pero tila biglang mas gumaan ang loob niya noong makita niya ang lalaking nakangiti na nakatayo sa harapan ng pinto.

-------

Kitang kita ni George ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Matt noong muli siyang makita nito. Tila hindi nila napansin ang mga babae na nasa loob ng kwarto. Isa-isa niyang inihakbang ang kaniyang mga paa papalapit kay Matt.

-------

Nakangiti paring inaantay ni Matt na mas lumapit pa si George sa kaniya.

-------

Noong nakalapit na si George ay inakap niya si Matt.

Nakangiti namang nakatingin sa kanila si Joana at Melissa. Naramdaman marahil niya ang kaligayahang nadama ni George na muling makita si Matt na may malay. Humiwalay sa pagkakayakap si George kay Matt.

"Kamusta ka?" Tanong ni George kay Matt.

"Okay na naman."

Pinipigilan lang nila ang kaniyang mga sarili dahil nasa loob lang din ng kwartong iyon ang mga babae. Pero kung wala ang mga iyon ay kanina pa nalapat ang kanilang mga labi.

"I miss you, dude." Pagkasabi ni George. Napakunot naman ng noo si Matt sa sinabi ni George na tila hindi nito iniisip ang kaniyang mga sinasabi, "...everyone here misses you." Dagdag pa niya. Lumapit si Melissa kay George. Lumapit din si Joana kay Matt. Kumapit naman si Jessica sa kamay ni Joana. Noong dumikit si Jermaine kay George ay agad niya iyong kinarga. Masaya silang pinagmasdan ni Jasmine ng mga sandaling iyon. Hindi naman maiwasan ni George at Matt na magtagpo ang kanilang mga mata.


Sandali lang ang inilagi doon ni George dahil kinailangan din niyang bumalik sa Site. Pero sinabi niya kay Matt na babalik siya pagkatapos ng trabaho nito. Masayang bumalik si George sa Site. Dahil alam na niyang nasa mabuting kalagayan na si Matt. Pero kailangan niya parin itong makausap.



NOONG matapos siya sa kaniyang ginagawa sa Site at nagpaalam na siya sa mga kasamahan niya doon.

Around 10 PM na siya nakalabas. Tumawag siya kay Melissa na dadaan muna siya kay Matt.

Noong nakarating siya sa Hospital ay nagmadali na siyang tumungo sa kwartong kinaruruonan ni Matt. Binuksan niya ang pinto, nakita niyang nagbabasa si Matt ng isang novel book. Wala na itong kasama. Agad namang isinarado ni George ang pinto. Mabilis niyang nilapitan si Matt. At hinalikan ito, sobrang nasabik siya sa mga labi ni Matt ng mga sandaling iyon. Nabitawan ni Matt ang kaniyang binabasa. Iginapang ni Matt ang kaniyang palad sa mukha ni George. Patuloy ang kanilang halikan noong biglang bumukas ang pinto. Mabilis namang silang naghiwalay. Tumalikod kaagad si George kay Matt at pinunasan niya ng kaniyang daliri ang kaniyang labi. Bahagya namang tumagilid si Matt. Tahimik naman ang nurse na pumasok at pinagmasdan silang dalawa. Wala itong kaalam-alam sa nangyari.

May inilagay lang iyong stainless bowl sa counter ng desk na nasa tabi ng kama ni Matt at puting towel. May iniwan din itong ilang gamot para kay Matt at lumabas din ito kaagad. Nagkangitian naman si George at Matt noong lumabas na ito. Kaya ang ginawa ni George at sinigurado niyang nakalocked ang pinto at muli siyang lumapit kay Matt at pinagpatuloy niya ang paghalik dito.

"I'm sorry about what i have told you. I shouldn't've left you. Hindi sana nangyari sa iyo iyan." Mahinang pagkakasabi ni George. Inilapit niya ang upuan sa tabi ni Matt.

"Wala kang dapat ihingi ng despensa. Masyado din akong matatas sa aking mga sinasabi, tama ka din naman. Wala tayong relasyon para mag-act ako ng ganoon." Biglang tumulo ang luha ni Matt. Pinunasan iyon ni George.

"You made me worried, seriously. I thought i could even lost you, but thank God... you're still here." Hinawakan ni George ang mga palad ni Matt.

"Yeah, thank God, I am alive." Nakangiti nitong sabi.

"Hindi lang ako naging handa sa mga sinabi mo, pero you were right about sa nararamdaman ko para sa iyo. I'm just in denial. Hindi ko kasi alam kong paano tatanggapin sa sarili ko na gusto na rin kita. Kaya halos mabaliw ako noong nakita kita sa gitna ng highway na naka----" Pinigil ni Matt ang sasabihin ni George.

"Ang importante... nandito ako ngayon, at nakakausap mo. Pasensiya na din kong nabigla kita. Hindi ko lang mapigilan ang nararamdaman ko para sa iyo." Nagkatitigan silang muli, "...i love you George. I know it's crazy but... i just can't help it." iginapang ni Matt ang kaniyang daliri sa labi ni George. Hinalikan iyon ni George.

"This is becoming more complicated Dude. Will we take the risk?" seryosong tanong ni Matt.

"I really love you, and i just can't hide it anymore."

"I don't wanna lose Melissa, she's my life."

"I don't even want to lose my family. They're my happiness, they are my inspiration."

"How about me? Ano ako sa iyo?"

"You gave me reason to live..."

".........................."

"You don't have to say a thing. I will understand you."

"No--- i just can't say it... but, I--- I---"


".........."


"I love you, Dude. At iyon ang nararamdaman ko para sa iyo."

Tumulo ang luha ni George. Pinunasan iyon ni Matt. Lumapit sa kaniya si Matt upang yakapin siya.


Sa mga sandaling ito ay nagkakaunawaan na ang kanilang mga nararamdaman para sa isa't isa. Kahit pa alam nilang may mga tao silang masasaktan kung saka-sakaling may makakaalam ng kanilang ginagawa. Pero sa ngayon ay hindi nila iniisip iyon. Ang importante ay ang kanilang kaligayahang nararamdaman ng mga sandaling yakap nila ang isa't isa.


"I cannot live a day nang hindi ka nakikita George."

"Then i will always be with you... promise i won't leave you again."


"..............................."

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Receive all updates via Facebook. Just Click the Like Button Below

Powered By Blogger Widgets