Sunday, January 27, 2013
IT'S JUST TOO LATE DUDE. BUT I HAD A GREAT - CHAPTER 3
"CHAPTER 3"
DUMIRETSO si George sa kwarto kung nasaan ang kaniyang Fiancee. At sa tuwing ipinipikit niya ang kaniyang mata ay nakikita niya sa kaniyang isipan ang ginawa niyang paghalik sa kay Matt. Nagpaulit-ulit iyon sa kaniyang isipan. Hinawakan niya ang kaniyang ulo at umupo sa sulok. Inumpog-umpog niya ang kaniyang ulo sa pader. Pero patuloy parin na naglalaro sa kaniyang isipan ang mga sandaling iyon. At damang-dama pa din niya sa kaniyang mga labi ang labi ng kaniyang hinalikang lalaki kaniya.
Nagising si Melissa sa ingay na nalikha ng pag-umpog ni George sa pader. "Baby are you okay?" Tanong nito sa lalaki. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at agad na tinungo ang kasintahang nakaupo sa sulok. Niyakap niya kaagad ito. Hinawakan niya ito sa pisngi nito at tinignan niya sa mga mata.
"Madami ba kayong nainom?" Tanong ni Melissa. Ngunit hindi ito kumikibo. Walang anu-ano ay bigla itong kumabeg at hinawakan si Melissa nito sa kaniyang mga pisngi at humalik. Hindi lang iyon basta halik lamang. Isang malalim na halik. Tinulak siya ni Melissa.
"Ano bang nangyayari sa iyo?" Galit na pagtatanong ni Melissa.
"I'm sorry honey. I'm sorry." Inabot niya ang napalayong babae sa kaniya. At niyakap. "...I'm sorry Honey, I love you so much." Mahigpit ang pagkakayakap niya sa babae.
"Okay lang iyon, madami kalang nainom marahil. Tara na sa kama." Sabi ni Melissa. Tinulungan niyang makatayo si George. At narating niya ang kama. Inalis ni Melissa ang Jacket ni George. Humiga si na din si Melissa sa tabi ni George at niyakap siyang muli nito ng mahigpit. Ayaw niya itong pakawalan. Pumaikot si Melissa upang humarap sa lalaki. Nakatingin ito sa kaniyang mga mata. Hinalikan niya ang lalaki sa mga labi nito.
"I love you baby." Bulong niya sa lalaki.
"I love you too honey." Pabulong din niyang sinabi.
Pinikit na ni George ang kaniyang mga mata. Pero muli ay bumalik sa kaniya ang mga halik na iyon. Kaya dumilat siyang muli.
"Ano ba nangyari baby?" Tanong ni Melissa.
"Wala naman, I'm just tired. Matulog ka na." Sabi ni George. Pumikit si Melissa. Tumingin sa kisame si George. Blanko ang kaniyang isipan.
--------
Nasa bihaye pa rin si Matt ng mga sandaling iyon at kagaya ni George ay hindi parin mawala sa isipan niya ang mga sandaling nilapat ni George ang kaniyang mga labi sa kaniyang mga labi. Bahagya niyang hinaplos ng kaniyang daliri ang kaniyang labi. Iniisip niya na mataas ang tiyansiya niya na pigilan si George dahil huminto pa ito bago tuluyang humalik pero hindi niya nagawa. Patuloy na bumabagabag sa kaniya ang mga sandaling iyon.
Huminga siya ng malalim.
"Damn it! Ano ba iyong ginawa namin? Hindi naman ako lasing pero bakit hindi ko siya pinigilan. BULLSHIT!" Pinalo niya ng kaniyang kamao ang manubela.
Hanggang sa makarating siya sa kanilang bahay. Dumiretso siya sa bathroom upang maligo. Hinubad niya ang kaniyang kasuotan. At tumapat sa ilalim ng shower at pinihit ang knob nito at bumuhos sa kaniyang mukha patungo sa hubad niyang katawan ang malamig na tubig. Iginapang niya sa kaniyang mukha ang kaniyang mga palad pataas sa kaniyang buhok. At sa tuwing nakapikit ang kaniyang mata ay nakikita niya ang mga matang nak. Iatingin sa kaniya bago nito halikan ang kaniyang labi. At muli ay ididilat niya ang kaniyang mga mata.
Matagal niyang ibinabad ang sarili sa tubig na patuloy na bumabasa sa kaniyang katawan. Noong matapos siya ay tinignan niya ang kaniyang sarili sa harapan ng salamin.
"Dala lang iyon ng alak na nainom namin. I'm fine. It shouldn't bother me." At huminga siya ng malalim. Nagtapis at tumungo na sa kwarto nilang mag-asawa. Inalis niya ang kaniyang tapis at inilagay ang sarili sa kama. Humalik siya sa noon ng kaniyang asawa. Humarap sa kaniya itong nakapikit at yumakap.
"Bakit ngayon ka lang, inumaga ka nanaman sa trabaho mo." Nakapikit na sabi ng kaniyang asawa.
"Madami kasing dapat tapusin kaya inumaga ako." Sabi niya sa asawa. Ngayon niya lang nagawang magsinungaling sa asawa niya. Hindi niya nasabi dito na nakipag-inuman siya sa isang lalaking hindi niya pa ganoon masiyadong kakilala. Sa lalaking, biglang humalik sa kaniya. Hindi na siya tinanong pa ni Joana at natulog itong muli. Sinubukan niyang ipikit ang kaniyang mga mata. Ngunit kagaya ni George ay umuulit-ulit sa kaniyang isipan ang mga nakaw na sandali.
------
HINDI noon nakatulog si George at kitang-kita sa kaniyang mga mata ang pangangalum nito.
"Baby, nakatulog ka ba? Para kasing hindi eh." Tanong ni Melissa habang hinahanda nito ang kanilang almusal.
"Hindi nga eh." Sabi niya. "Honey tara nga dito..." Lumapit sa kaniya si Melissa at kumandong ito sa kaniyang hita. Hinalikan siya sa balikat ni George. "...Sorry kanina uh, madami kasi akong nainom eh." Sabi niya. Humarap sa kaniya si Melissa. Humawak siya sa chin ni George habang nakatingin ito sa kaniyang mga labi. Nakahawak naman si George sa balakang ng babae.
"Okay lang iyon. Nauunawaan ko." Sabi ni Melissa at humalik ito sa labi ng lalaki. "I love you, baby." Sabi niya.
"I love you too." Sagot naman ni George.
------
Hinatid ni Matt ang kaniyang muli si Jasmine sa school nito.
"Mag-iingat ka sa school mo ha?" Paalala ni Matt sa anak.
"Opo Pa. I love you." Sabi nito at humalik sa pisngi bago lumabas ng sasakyan.
"I love you too." Pinagmasdan niya ang anak habang naglalakad ito papasok sa paaralan nito.
Sinabi niya sa sarili niya na hindi siya magpapaapekto sa nangyari noong nakaraang gabi. At pumasok din sa isipan niya kung makikipagkita pa ba siya kay George o hindi na.
-------
Binalikan ni George ang kaniyang motor sa Marlyn's Winer parking lot. Ito ang ginamit niya patungo sa kaniyang pinagtatrabahuan.
Sa mga sandaling iyon ay tila nahimasmasan na siya at hindi na binabagabag pa sa nangyaring paghalik niya.
-------
HINDI na nila inisip pa ang bagay na iyon. Lumipas ang mga araw ay nagsimula ng itayo ang gagawing 12 Condominium buildings na pamumunuan ni George. Nakarating narin siya sa site. Inaral na maigi ang bawat detalye ng lugar. Nagsisimula na ring magtayo ng matataas na bakod sa palibot ng area. Pinapatag ng din ng mga naglalakihang Vuldoser ang lupa.
Mas naging busy pa siya ng mga sandaling iyon. Pero, kahit pa ganoon kabusy ay hindi parin siya nawawalan ng oras sa pagpaplano ng magaganap ng kasal nila ni Melissa.
Habang si Matt naman ay iginugol ang kaniyang oras sa trabaho at sa kaniyang pamilya. Nakalimutan na din niya si George.
Pero may mga bagay na sadyang itinataon ng isang pagkakataon.
Isang umaga ng Linggo.
"Baby... nasaan ang Jessica?" Tanong niya sa kaniyang anak na nakasunod sa kaniya noong humarap siya dito habang nagjojogging sila.
Napahinto si Jasmine. "Nandito lang siya sa tabi ko..." Pagtingin niya ay wala na ito.
"My God. You, stay here. Okay? Balikan ko lang doon sa dinaan natin." Sabi niya sa anak niya.
"Pa... I'm sorry hindi ko siya napansin po talaga." Mahinang pagkakasabi ni Jasmine.
"It's fine, basta stay here okay?" Sabi niyang muli sa anak niya.
"Opo." Umupo sa gilid si Jasmine. Habang pinagmamasdan niya ang kaniyang Papa na tumatakbo pabalik sa kaniyang pinanggalingan.
"Jess!!! Baby!!!" Sigaw niya. Paikot siyang tumatakbo, tinitignan ang bawat sulok ng park at nagbabakasakaling makita niya si Jessica. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko. God help me. Make my baby safe." Bulong niya habang hinahanap niya ang kaniyang anak.
"Pre, may nakita ka bang bata, na ganito ang height, maputi, mahaba ang buhok. 6 years ang age?" Tanong niya sa lalaking nakaupo sa Bench.
"Hindi pre, pasensiya na." Sabi nito. "Try mo doon magtanong, may mga guradiya doon sa pagpasok mo ng Park." Sabi nito.
"Salamat." Muli niyang hinanap ang kaniyang anak.
------
"George, may bata dun oh, naiyak... lapitan natin." Sabi ni Melissa sa kaniyang nobyo.
"Okay." sagot niya.
Kasalukuyan din silang nagjojogging noon. Nagawa nilang makalapit sa bata na nakaupo sa sulok ng puno.
"Baby, are you lost? Saan ang mga kasama mo?" Tanong ni Melissa at umupo ito sa harapan ng bata. Hindi ito nagsasalita.
"Baby are you mute?" Tanong ni George. Tinapik ni Melissa sa binti si George.
"What? She's not speaking." Sabi ni George.
"You're not helping." Sabi ni Melissa.
"Okay. Then deal with her." Umupo din si George sa tabi ni Melissa.
"What's your name baby?" Tanong ulit ni Melissa.
"Papa said , don't talk to strangers." Sabi ng bata.
"Wow..." Pagkabulaslas ni George at napangiti talaga siya. Tinapik siya ulit ni Melissa.
"What again? Heh-heh." Hindi mapigilan ni George ang pagkatuwa sa sinabi ng bata. "...Baby, you just actually talked on us." Sabi pa ni George. "Pero, tama din naman si Papa mo, don't talk to stranger, but we think you're not in good situation right now. So, we are here to help you. D'yah think we are a bad guy?" mahinahong sabi ni George. Umiling ang bata na pahikbi-hikbi pa.
"I'm lost, my Papa is probably looking for me right now. I don't even know where to go, that's why i seat here. I'll wait for my Papa here." Sabi ng bata.
"How can your Papa see you, Nandiyan ka sa sulok." Tanong ni George. Napangiti si Melissa sa ginagawang pakikipag-usap ni George sa bata. "Come here, we will help you. If Papa can't see you, we will find Papa." Nakangiting sabi ni George. Tumayo ang bata sa pagkakaupo at lumapit kay George. Yumakap sa kaniya ito na tila nakakaramdam pa ng takot.
Kinarga ito ni George."Can you tell us your name baby?" Tanong ni Melissa. "I'm ate Melissa, he is kuya George. And you are?" Nakangiting pagpapakilala ni Melissa.
"My name is Jessica." Sabi ng bata.
---------
"Jess!!! Where are you baby??" Bakas parin sa mukha ni Matt ang pangamba. Sa pagkakatong iyon ay tinutulungan na siya ng mga guradiya na hanapin ang bata. Patuloy ang kaniyang pag-ikot ikot. Pero hindi talaga nila nakita si Jessica.
---------
Nakita ni Jessica ang kaniyang kapatid na si Jasmine na nakaupo.
"There's my sister." Tinuro ni Jessica ang kaniyang ate. Kaya nilapitan nila iyon.
"Ate!" Sigaw ni Jessica. Lumingon si Jasmine at nakita niyang karga-karga ng lalaki ang kaniyang kapatid at agad niya itong sinalubong. Ibinaba ni George ang bata at niyakap ito ni Jasmine.
"Jess, you made us worried." Sabi ni Jasmine.
"Wala ba kayong kasama?" Tanong ni George.
"Meron po. Si Papa, hinahanap niya na po si Jessica. Anyway, thank you po sa paghatid sa kapatid ko." Sabi ni Jasmine.
"We should probably wait for your Papa bago kami umalis." Sabi ni George. Nakangiti si Melissa. Natutuwa siya sa kaniyang kasintahan dahil nakaramdam siya ng pag-aalala sa magkapatid. Hindi niya inaasahan na malapit sa bata si George. Ipinakilala ni Jessica ang dalawa sa kapatid niyan si Jasmine.
"Tawagan ko nalang po si Papa." Kinuha ni Jasmine ang kaniyang phone.
----
Sinagot ni Matt ang kaniyang Phone.
"Hello baby? Hindi ko pa nakikita kapatid mo eh." Sabi niya na talagang nangangambana.
"Papa, Jessica is now okay, she's with me. Ate Melissa and her boyfriend brought her here." Masayang pagkakasabi ni Jasmine.
Tila nabuhayan ng loob si Matt sa nadinig.
"Thank God. Okay, stay there. Babalik na ako diyan." Nagmadaling bumalik si Matt sa pinagiwanan niya sa kaniyang anak. Nagpasalamat na din siya sa mga guardiya na tumulong sa kaniya. Sinabi niyang okay na ang anak niya.
-----
"Ayan na pala si Papa." Sabi ni Jasmine. Nakita niya na nagmamadali itong lumapit sa kanila.
"Papa." Sinabulbong ni Jessica si Matt. Kinarga kaagad ni Matt ang kaniyang anak at hinalik halikan.
Nilingon ni George ang lalaki. At laking gulat niya ng makilala niya ang lalaking iyon. Biglang kinabahan siya ng hindi niya maunawaan. Tila gusto na niyang lumakad papalayo. Hindi parin naman siya napapansin noon. Magpapaalam na sana siya ng bigla silang hawakan ni Jasmine sa kamay.
"Tara po papakilala ko kayo kay Papa." Sabi ni Jasmine.
"I think we should go." sabi ni George.
"Ano ka ba naman George, ipapakilala nga tayo ni Jasmine sa Papa nila eh." Sabi ni Melissa. Wala ng nagawa pa si George.
Napayuko siya noong tumingin sa kanila si Matt. At may kunot sa noo ni Matt noong napansin niya ang lalaking hawak-hawak ni Jasmine, kahit pa nakayuko ito ay nakilala niya ito.
"Papa, they are the one who helped me to find you, but eventually, we found ate." Sabi ni Jessica nakangiti habang karga siya ni Matt.
"Okay baby." Hinintay nila na lumapit sila George at Melissa habang hawak-hawak sila ni Jasmine.
Hindi na yumuko pa si George. Huminga siya ng malalim noong malapit na sila kay Matt.
Noong nagkaharap harap na sila ay hindi makatingin na diretso si George kay Matt. Nabalutan siya ng pagkahiya.
"Salamat sa pagtulong sa anak ko George." Sabi ni Matt. Nabigla ang mga babae ng malaman nilang kakilala ni Matt si George.
"Wala iyon, siguro kahit sinong tao ang makakakita sa bata na umiiyak, will do the same thing." Sabi niya. "..siya nga pala, she's Melissa. My Fiancee. Iyong naikwento ko sa iyo before." Pakilala ni George. Kinamayan ni Melissa si Matt.
"It's nice to meet you Sir." Sabi ni Melissa.
"Just call me Matt." Nakangiting sabi ni Matt sa babae.
"Wow, magkakilala pala kayo ni Kuya George." Sabi ni Jasmine.
"Oo, baby. We used to know each other." Sabi ni Matt.
"Oh paano, we have to go." Sabi ni George.
"Hmmm.. have a breakfast with us muna." Sabi ni Matt.
"Sige na kuya George." Pagpupumilit ni Jasmine.
"Please." Sabi naman ni Jessica.
"Parang nakakahiya naman iyon Sir Matt." Sabi ni Melissa. "...ay, Matt lang pala." Nakangiti niyang sabi.
"No--- para narin makabawi ako sa inyo." Sabi ni Matt.
----------------
Pwumesto sila sa isang vacant na table sa park. Umalis si Matt upang bumili ng makakain for their breakfast. Tumayo si George.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Melissa.
"Kay Matt. Tulungan ko siya magbitbit ng bibilhin nya." Nakangiting sabi niya.
"Okay." Sagot ni Melissa. At nagkwentuhan ang mag babaeng naiwan sa table.
--------------
"I'm sorry about that morning Dude." Pabulong na sabi ni George.
"We shouldn't talk about that here." Sabi ni Matt.
"Okay, pero sorry talaga. I didn't mean it." Sabi ni George. Tumango si Matt. Kinuha ni Matt ang unag tray.
"I'll help you with that one." Hindi sinadyang mahawakan ni George ang mga kamay ni Matt. At agad niyang inalis iyon. "I'm sorry." Sabi ni George. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito.
"Okay lang. Huwag kang mapressure,okay? Just calm down George." Sabi ni Matt. Inabot muli ni Matt ang unang tray. At kinuha ni Matt ang sumunod na tray.
--------------
Kumain sila ng umagang iyon. Masayang nagkwentuhan ang mga babae at nguminiti lang ang dalawang lalaki. At sa tuwing magtatagpo ang mga mata ni George at Matt ay agad nilang iniiwas ang kanilang mga mata sa isa't isa.
Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na si George at Melissa sa mga bata at kay Matt.
-------------
"Kelan mo pa nakilala si Matt?" Tanong ni Melissa.
"A month ago, nakilala ko siya accidentally." Sabi ni George habang minamaneho ang sasakyan.
"accidentally?" Usisa pa ni Melissa.
"Oo, kasi nabunggo ko iyon siya eh. Sabi niya okay naman siya kaya iyon, nagkaroon kami ng kaunting pag-uusap. Kaya nakilala ko siya, pero kakilala lang hindi talaga kilalang-kilala." Sabi ni George.
"Ah okay. Ang bait niya no?" Sabi ni Melissa. Napatingin sa kaniya si George. At tumango.
-------------
KINAGABIHAN
Pinag-aaralan ni George ang kaniyang project plans sa kanilang Balcony. Hinatiran siya ni Melissa ng cup of coffee. At umupo ito sa kaniyang harapan at pinamamasdan siya sa kaniyang ginagawa. Binibigyan naman ng malambing na ngiti ni George ang kaniyang fiancee sa tuwing napapantingin siya dito.
"Honey matulog kana, mamaya pa ako matatapos nito." Sabi ni George.
"O sige." Tumayo ito at lumapit sa lalaki at humalik.
Pinagmasdan ni George si Melissa habang papasok ito sa loob ng bahay. At ibinaling muli ang sarili sa kaniyang ginagawa.
Makalipas pa ang ilang saglit ay nadinig niyang tumunog ang kaniyang phone. Nakalapag iyon sa table ay hindi muna niya pinansin hanggang sa mamatay ang phone call. Hindi na muna niya sinilip kong sino ang tumatawag. Maya-maya ay muli itong nagring. Inipit niya sa likod ng kaniyang taenga ang kaniyang lapis at sinilip kong sino ang tumatawag.
--------------
Hinihintay ni Matt na sagutin ni George ang phone. Nasa office pa siya at katatapos niya lang asikasuhin ang mga paper works. Naalala niyang meron siyang number ni George na nasa card na ibinigay sa kaniya noon. Hindi naman niya kasi naisave ang number noon ni George noong tumawag ito.
--------------
Nagdadalawang isip si George kung sasagutin niya ba ang tawag na ito. Kinuha niya ang phone at sinilip muna niya si Melissa sa loob kung natutulog na ito. Mahimbing itong natutulog. Lumabas siyang muli at sinagot ang tawag.
--------------
"Hello George? It's me Matt. Are you free tonight?" Tanong nito sa kabilang linya.
Matagal bago sumagot si George, nakapamaywang siya habang nakasandal sa wooden supporter ng kanilang balcony. Tinignan muna niya ang kaniyang mga ginagawa bago sumagot.
"Yeah--- I'm free tonight." Sagot niya.
"Good. Dormian Park, near at Mizzari Hotel. I'll be there after 30 minutes. See you there." Sabi ni Matt.
"Okay." Sagot ni George. At agad na binaba ni Matt ang phone call.
Mabilis na inayos ni George ang kaniyang mga gamit at isinatabi muna ito. Tumungo siya sa kwarto at pumili ng maisusuot, nagmamadali siya. Kinuha niya ang kaniyang Red tshirt at isang Maong Pants na kupas. Nagsuot din siya ng bonet.
"Honey... lalabas lang ako saglit ha?" Bulong niya sa kaniyang finacee. Tumango lang ito. Humalik siya sa noo nito. Kinuha niya sa likod ng pinto ang nakasampay na black leather Jacket. Sinuot din niya ang kaniyang brown night shades. At nagsprayed ng night cologne sa kaniyang leeg. Huminga ng malalim at lumabas ng apartment.
Hindi na siya nagdala pa ng sasakyan o ng motor. Naghintay siya ng cab habang nakalagay ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang Jacket. Noong may dumaan ng cab ay pinara niya iyon at sumakay sa backseat.
"Dormian Park." Sabi niya sa driver. At umandar ang sasakyan patungo sa Park. Tumingin siya sa kaniyang relo at napansin niyang 20 minutes na ang lumipas mula noong nakausap niya si Matt.
Binaba siya ng driver sa Park at binayaran niya ang kaniyang fare.
Naglakad siya sa loob ng madilim na park habang nakapamulsa parin siya sa kaniyang Jacket. Nakita niya sa paligid ang mga magkasintahan na naglalambingan pero hindi niya iyon pinansin, naghanap siya ng mauupuan.
Nakakita siya sa bandang dulo. May isang light bulb stand doon na medyo dim na ang ilaw kaya medyo madilim padin. Pero mula sa kaniyang kinauupuan ay alam naman niyang agad siyang makikita ni Matt dahil nakatapat siya sa Mizzari Hotel. Sa mga sandaling ito, hindi niya alam kung ano nga ba ang nagtulak sa kaniya para pumunta sa lugar na iyon, hindi rin talaga siya siguro sa kaniyang ginagawa. Basta ang alam niya ay nandoon na siya sa Park at hinihintay ang pagdating ng lalaking kaniyang hinalikan.
Tumingin siya sa kaniyang relo at 5 minuto nalang ay dapat ay dumating na ang kaniyang hinihintay dahil sinabi nitong 30 minutes lang ay nasa lugar na siya ng kanilang tagpuan.
"George." Bigkas ng lalaking nasa kaniyang likuran na kinagulat niya hindi man lang niya napansin na dumating ito. Tumingin siya sa lalaki. Umikot ito at umupo sa kabilang dulo ng kaniyang kinauupuan.
Nakawhite pull-over polo nalang ito na may red dotted printed tie. Tumingin sa kaniya ito.
".........................."
"Bakit mo ako pinapunta dito?" Tanong ni George.
"Bakit ka pumunta dito?" Binalik ni Matt an tanong. Pero hindi sila naglilingunan.
"Hindi ko alam." Sabi ni George.
"Sumunod ka sa akin." Sabi ni Matt. Tumayo din kaagad ito. At naglakad patungo sa madilim na parte ng parke. Sinundan naman siya ni George habang pinagmamasdan niya ang likod ng lalaki, pinakikiramdaman niya rin ang kapaligiran kung may mga makatingin ba sa kanila, pero wala. Huminto si Matt sa dulo na mayroon isang mataas at malaking puno. Pag harap niya ay walang anu-ano at bigla siyang sinunggaban ng halik ni George. Hinawakan siya nito around his neck. Isang napakalalim na halik ang pinakawalan ni George ng mga sandaling iyon. Ipinikit ni Matt ang kaniyang mga mata at dinama niya ang mainit na halik ni George. Dahan-dahan niyang inilapag ang kaniyang mga palad sa likuran ni George.
Hindi inalis ni George ang kaniyang mga labi sa labi ni Matt. Sinimulan na ding pumanglaban si Matt sa mga halik ni George.
Maya-maya ay hingal na kumawala si George sa pagkakahalik niya kay Matt.
Tinignan niya iyon ng masama. At tila nakadama siya ng pagkainis sa kaniyang ginawang paghalik sa lalaki. Bigla niya itong binigyan ng isang napakalakas ng suntok sa mukha na ikinatumba ni Matt.
"FUCK YOU! bakit hindi mo ako inilayo!" Inis na pagkakasabi niya sa lalaking nakatumba sa lupa.
Nakangiting pinunasan ni Matt ang kaniyang ibabang labi na may bahid ng dugo.Tinignan niya iyon bago siya tumayo. Pagkatayo nya ay siya naman ang pwersahan sumuntok sa mukha ni George.
"Bakit mo ako hinalikan at hinalikan ulit! Wala akong problema dito, nasa iyo ang problema George!"
Pinunasan ni George ang kaniyang labi na napuruhan at may bahid ding sugat.
"D'ya think i'm gay? Fuck you and fuck you and fuck you! Mother fucker!" Sambit ni George. Akma siyang sasapakin ni Matt pero nahawakan niya ang mga kamay nito, muli ay nagkalapit sila sa isa't isa. At nagkaroon ng pagkakataon si George na muling halikan ang mga labi ni Matt. Hindi na niya alintana ang hapdi ng sugat niya sa kaniyang labi. Isinandal niya sa puno si Matt. At patuloy ang kaniyang paghalik dito. Lumalaban naman sa halikan si Matt. Inilayo nila ng bahagya ang kanilang mga labi at kumuha ng hangin. Hingal na hingal sila sa ginagawa nila habang silang nakatingin sa kanilang mga mata. Pagkatapos ay muling humalik si George sa mga labi ni Matt. Iginapang na ni Matt ang kaniyang mga palad sa loob ng tshirt ni George at hindi iyon binigyan pansin ni George hinayaan niya lang ang lalaki na damhin nito ang kaniyang katawan.
Maya-maya ay lumayo siyang muli kay Matt at muli niya itong binigyan ng malakas na sapak.
"FUCK YOU! HUWAG KA NANG MAGPAPAKITA SA AKIN O TATAWAG MAN LANG, BAGO KO MAKALIMUTANG MAY ASAWA AT ANAK KA!" Matigas at malakas na pagkakasabi ni George. Ihinilamos niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha. Dinampot niya ang kaniyang night glass na nalaglag noong sinapak siya ni Matt.
"FINE! BAGO KO DIN MAKALIMUTANG IKAKASAL KANA!" Malakas na pagkakasabi ni Matt.
Naghiwalay sila ng landas. Dala-dala nila ang isang pangyayaring alam nilang babago sa takbo ng kaniyang mga buhay. Hindi na nila nilingon pa ang bawat isa.
-------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ha ha ha, nkakatuwa aman mga pinaggagawa nilang dalawa. but i like the flow of ur story.
ReplyDelete